^

Pang Movies

Kuya Wes pinanghihinayangan!

VEROFIED - Veronica Samio - Philstar.com
Kuya Wes pinanghihinayangan!
Ogie Alcasid

Kung ang pelikula mo ay graded A, pero hindi tinatao sa takilya sa kadahilanang mahirap ipaliwanag. Nakasisiguro namang maganda ito, pero bakit ito iniisnab ng manonood? Isa ang Kuya Wes sa dalawang pelikulang lokal na mabilis nawala sa mga sinehan sa linggong ito. Nanalo pa naman ng Best Actress si Ina Raymundo dito sa isang international film festival at ang pelikula naman ay tinanghal dito bilang Best Picture at nagbigay ng Best Actor kay Ogie Alcasid.

Nakapanghihinayang ang mabilis na pagkawala nito sa mga sinehan kung kaya para hindi ito ma-miss ng mga gustong makapanood, lalo na ng mga kaibigan at pamilya ng mag-asawang Ogie at Regine Velasquez ay nagpasya ang huli na ipa-block screening ang pelikula na sinundan pa ng ilang block screenings na request naman ng mga kaibigan ng mag-asawa.

Maraming pelikula ang umaasa na rin sa block screenings para makatulong sa box-office lalo’t maganda naman ang pagkakagawa sa mga ito at nakapanghihinayang na hindi mapanood ng marami. Mas kumportable nga ang manood sa block screenings kesa sa regular na sinehan dahil magkakakilala ang mga nanonood.

Darren at JK apektado sa demandahan

Sa demandahan din pala nauwi ang awayang Darren Espanto at JK Labajo. Nagsampa ang ina ng una ng kasong libelo laban sa singer ng napaka-sikat na kantang Buwan. Sana pinagkasundo na lamang muna ang dalawang kabataang singer kesa pinaabot pa sa korte ang kanilang hidwaan.

Sigurado namang maapektuhan ang dalawang kabataang singer ng kaso. Tsk Tsk Tsk.

Rita mas mahal na si Ken kesa kay Martin

Wala naman palang dapat ipag-alala si Boyet (Ken Chan) sa character ni Martin del Rodario sa My Special Tatay dahil hawak niya ang puso ni Aubrey (Rita Daniela) at nakakabanaag na ng forever ang mag-asawa sa pagkakakulong ni Olivia (Teresa Loyzaga). Pati ang mga kapatid niya na ginagampanan nina Bruno Gabriel at Jillian Ward ay kumampi na sa kanya.  Senyales kaya ito ng pagganda ng buhay at pag-ibig ni Boyet?

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with