^

Pang Movies

Parang mag-tiyuhin daw Julia-Gerald tandem pinandidirihan?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Philstar.com
Parang mag-tiyuhin daw Julia-Gerald tandem pinandidirihan?!
Gerald Anderson at Julia Barretto

Kaka-announce pa lang ng Black Sheep na may gagawing pelikula sina Gerald Anderson at Julia Barretto na Between Maybes sa direction ni Jason Laxamana, nag-react na agad ang fans nina Julia at Joshua Garcia. Pinost lang ni Julia ang “Takas tayo?” may mga JoshLia fan nang nasaktan. Bakit daw ganu’n ang promo ng movie? May nag-comment naman na ‘pag may kissing scene ang pelikula nina Julia at Gerald, hindi sila manonood dahil hindi nila kayang mapanood ang aktres na iba ang kahalikan.

May ibang fans naman na ginawang isyu ang edad ni Gerald, older daw ang aktor kay Julia, para siyang kuya o tito ng aktres at walang kilig ang tambalan nila.

Sa isyung chemistry, ipaubaya na nila kay direk Jason ang tungkol dito at tiyak na gagawan niya ng paraan na lumabas ang chemistry nina Julia at Gerald.

Gelli 14 times binanggit ang t---i!

Graded B ng Cinema Evaluation Board at Rated R-16 ng MTRCB ang Pansamantagal  movie nina Gelli de Belen at Bayani Agbayani. Produced ng Horseshoe Studios at directed by Joven Tan ang nasabing pelikula na showing na simula bukas.

Rom-com ang tema nito, kaya may mga na-curious kung bakit R-16 ang rating. Ang hula namin dahil ito sa daring dialogue at ang 14 times na pagbanggit ni Gelli ng “t—i”. Pero tama ang sinabi nitong sinasabi ‘yun ng tao in real life, kaya walang mali sa pelikula. Nagbiro si Gelli na kahit matagal nang tapos ang pelikula at matagal ng tapos ang shooting, hindi pa rin siya naka-recover sa bold and daring dialogue na kanyang sinabi.

Samantala, hinintay lang ni Gelli na maipalabas ang Pansamantagal para dalawin ang mga anak nila ni Ariel sa Canada.

Sahaya, positive ang feedback

Maganda ang feedback ng viewers sa Sahaya at kahit non-Kapuso viewers, humanga sa epic-drama series ng GMA 7. Nabasa namin ang comments ng netizens via Twitter.

Saka, isa-isa nilang binabanggit ang mga rason kung bakit gusto nila ang Sahaya. Iilan pa lang sa cast ang lumabas sa pilot week, napuri nila si Jasmine Smith-Curtis, Benjamin Alves at pati si Gil Cuerva, pinansin ang improvement sa acting.

Lumabas na ang karakter ni Bianca Umali at ang husay niya bilang si Sahaya na kahit nag-i-English, labas pa rin ang pagiging Badjao.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with