^

Pang Movies

Daniel Padilla inaabangan kung maseselat ni Alden Richards!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel Padilla inaabangan kung maseselat ni Alden Richards!
Alden Richards

Natawa kami doon sa sinasabing kaya raw nag-I love you pa si Daniel Padilla on live television sa birthday presentation para kay Kathryn Bernardo ay dahil natatakot ang matinee idol na masapawan siya nang husto oras na ang kanyang girlfriend ay gumawa na nga ng pelikulang kasama si Alden Richards.

Hindi namin maintindihan kung bakit naisip nila iyon. Una, talaga namang mag-syota sina Daniel at Kathryn at kung hindi niya gagawin iyon, sasabihin naman wala siyang kuwenta. Isa pa, kailangan ng fans ang ganoong assurance dahil lately ay may nagkakalat na split na ang dalawa. Alam naman natin kung bakit sila nagkakalat ng ganyang issue.

Pero iyong bababa na ang popularidad ni Da­niel? Nakakatawang observation iyon.

Bakit sino ba ang record holder ng highest grossing film sa ngayon? Kanino bang pelikula ang umabot ang gross sa 800 million. Maski si Vice Ganda hindi umabot doon eh. Sasabihin ninyo maaabot iyon ng team up nina Alden at Kathryn? Ano kayo lasing?

Ang record na iyon imposible nang abutin. Baka nga maski na ang KathNiel mismo hindi na umabot ulit sa ganoon eh, kaya lang nagawa na nila kaya may pag-asa. Pero iyong iba, mahihirapan na. Maski na ang pelikula ng superstars noong araw. Huwag nating basehan ang gross dahil mahal na ang admission prices ng mga sinehan ngayon. Kung kukuwentahin natin base sa theater atten­dance, mas malaki pa rin ang sa KathNiel. At dahil nasilat agad si Kathryn pagkatapos noon sa pelikulang kasama si Sharon Cuneta, maliwanag na si Daniel nga ang malakas ang box office potentials.

Samantala, wala pang box-office record na masasabi si Alden. Wala pa naman siyang nagagawang malaking pelikula na masasabing sa kanya at kumita. Ngayon lang kung sakali siya magkakaroon ng pagkakataon, at hindi pa sigurado iyan.

JaDine babawi, magsasama uli sa pelikula

Mukhang tahimik ang kampo ni Nadine Lustre sa resulta ng kanyang pelikula minus James Reid. Pero may nagre-report na kumita naman daw ng apat na milyon noong first day. Hindi na rin masama iyon at magaganda naman ang reviews kaya may audience pa iyan, huwag lang aalisan agad ng sinehan.

Mukhang handa naman sila sa resultang iyan, kaya nga sinasabing pagkatapos niyan ay may gagawin silang pelikula ulit ni James Reid, pambawi. Palagay namin, kung gagawa nga sila ng isang love story, lalo na ngayong inamin na nila na nagsasama sila sa iisang bahay, papatok iyan.

Pero pagkatapos nilang umamin na live-in na sila, hindi na puwede ang pa-cute na love story. Kailangan matured love na iyan.

Male starlet cell phone load na lang ang hinihinging kapalit sa sariling sex video!

Ipinakita sa amin ng isang showbiz gay ang screen grab ng palitan nila ng message ng isang male starlet. Ang male starlet ay nagsabing magpapadala siya ng sarili niyang video, kung padadalhan siya ng cell phone load na 1,500 pesos ang halaga. May description pa siya kung ano ang mapapanood sa iniaalok niyang video.

Ang sabi ng showbiz gay, hindi naman daw niya pinatulan ang offer ng male starlet, after all ano nga ba ang makukuha niya sa ganoong mga video. Kung kumalat baka pagbintangan pa siya. Iyon ang sinasabi niya, ano ba ang malay natin kung nagpadala rin siya ng load?

Bakit nga ba ganyan na ang buhay ngayon sa showbusiness?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with