^

Pang Movies

Alden Richards takot nang matabihan si Maine Mendoza?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden Richards takot nang matabihan si Maine Mendoza?!
Maine Mendoza

Dahil kay Kathryn o Arjo?

Pati ang Dabarkads ng Eat Bulaga na kasama sa Holy Land trip, tinatanong ng AlDub fans kung bawal bang kunan ng picture na magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza? Hanggang ngayon kasi, wala pang lumalabas na litrato ng dalawa na sila lang o kaya’y magkatabi sila sa group picture.

Si Ryan Agoncillo nga na parang official photographer ng Dabarkads dahil halos sa kanya galing ang magagandang litrato ng grupo, tinatanong sa kawalan ng picture nina Alden at Maine na magkatabi. May request ang fans kay Ryan na kunan ng picture sina Alden at Maine na silang dala­wa lang o kaya kahit magkatabi na lang.

As of today though, hindi natupad ang request ng fans at parang hindi na matutupad dahil ang sabi, nauna nang umalis si Maine dahil sumunod sa parents niya sa Italy.

Pati si Ryzza Mae Dizon na masipag pag-post ng pictures ng Dabarkads, tinanong din kung bakit walang litrato na magkasama sina Alden at Maine?

In fairness, ang fans na rin ang sumagot sa kanilang tanong sa absence ng picture na magkasama ang AlDub. Baka raw pinagbawalan si Alden ng GMA Network na magpakuha ng picture with Maine dahil may gagawing movie sina Alden at Kathryn Bernado, bagay na mahirap paniwalaan dahil hindi pakikialaman ng network ang personal na lakad ng kanilang talent.

May nag-aakala namang kusa nang umiwas si Alden dahil nga sa tsikang may Arjo

Atayde na si Maine. Pinaiiral daw ng aktor ang “Bro Code.”

Dani Barretto malaki ang galit sa amang si Kier Legaspi!

Napanood namin ang vlog ni Dani Barretto kung saan, sinagot ang tanong ng netizens kung ba­kit wala silang relasyon ng amang si Kier Legas­pi. Absent si Kier nang mag-propose ang fiance ni Dani na si Xavi Panlilio at masakit man kay Kier, mukhang hindi siya invited sa wedding ni Dani.

Sabi ni Dani, she doesn’t owe anyone an explanation, pero nagsalita na rin. Six years na raw silang hindi nag-uusap ni Kier at last time na nag-usap sila, hindi pa sila in good terms. Heto pa, two months lang daw ang naging relasyon nilang mag-ama at nasanay na siya na wala ang ama, hindi nakikita at nakakausap.

Tanong ng netizens, kung two months lang ang father-daughter relationship nila ni Kier, bakit sa pinost na throwback pictures ni Kier kasama si Dani, nagsimula noong baby pa lang si Dani, naging bata, teenager at nagdalaga?

May binanggit pa si Dani na “I’ve been hurt a lot of times by this person” at “I’ve been wanting to have a relationship with him, but no effort. Nasaktan ako.”

Pansin namin, never binanggit ni Dani ang pangalan ni Kier, malaki nga siguro ang tampo nito sa ama. On the other hand, pinuri ang inang si Marjorie Barretto na pinalaki raw siya with so much love at malakas ang support system niya at nabanggit pa ang stepdad niya (Dennis Padilla).

Dahil walang aabangang Kier sa wedding nina Dani at Xavi, si Dennis kaya imbitado? O, si Claudine Barretto o si Gretchen Barretto?

John may pelikula na rin sa GMA

Kasama sa cast ng Family History si John Estrada na ididirek ni Michael V. under GMA Pictures and Mic Test Entertainment nilang dalawa ng asawang si Carol Bunagan.

Wala si John sa storycon ng Family History, pero nagkita na sila ni Michael V., may picture na magkasama sila at ang nakasulat na caption, “Isang karangalan makasama sa pelikulang ito... sa aming lead star, producer, writer at director na si Michael V a.k.a bitoy.. maraming salamat sa pagkuha sa akin para gampanan ang role na jay... Isa kang Henyo...FAMILY HISTORY Malapit na.”

Kaya hindi na lang sa teleserye ng Kapuso Network na Kara Mia mapapanood si John dahil mapapanood na rin siya sa nasabing comeback movie ng GMA Pictures.

Ang dinig namin, sa May na ang showing nang nabanggit na pelikula, mauuna pang ipalabas sa Kiko En Lala na pinagbibidahan ni Super Tekla.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with