^

Pang Movies

Title ng bagong kanta ni Sheree, pa-kontrobersiyal!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Title ng bagong kanta ni Sheree, pa-kontrobersiyal!
Sheree Bautista

Nagbabalik sa music scene si Sheree Bautista sa bagong release nitong kanta na We don’t Give a F--k. Siyempre walang kinalaman si Sheree sa title dahil compose at music ito ni Marcus David kaya palaban ang title.

Wala namang bad meaning ang kanta, gusto lang daw nilang mag-set up ng good mood para sa weekend party lalo na kung pay day.

Magbunga kaya ang pagpapansin ni Sheree sa kanta niyang ito na may matapang na title? Ewan ko kung papaano niya ito maipo-promote sa radio at TV stations na tiyak ay hindi rin papasa sa MTRCB.

Masakit sa tenga ang title at parang hindi ito puwedeng patugtugin sa bahay lalo na kung nasa subdivision ka.

Para naman sa observation ng ilang netizens, masagwa nga raw talaga ang title, pero nakalimutan ata nilang isang mahusay na singer si Sheree at pinagana lamang nito ang kanyang artistic side sa music na bagay sa kanyang image na palaban din.

Walang kupas ang kagandahan at galing ni Sheree na isa pa ring hotbabe.

Todo naman ang suporta ng friends ni Sheree lalo na ni Ynez Veneracion na kasama rin sa music video ng single.

vuukle comment

SHEREE BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with