^

Pang Movies

Lovi at Benjamin iniintriga, nagpalitan ng ‘miss you’!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lovi at Benjamin iniintriga, nagpalitan ng �miss you�!
Lovi Poe

Binigyan ng malisya ang palitan ng “miss you” nina Lovi Poe at Benjamin Alves na nabasa sa Instagram (IG) ng aktres. Nag-post si Lovi ng isang magandang view at nag-comment si Benjamin ng “Miss you darling!”

Agad sumagot si Lovi ng “@benxalves miss you too darling!!,” kaya may nagtanong kung sina Lovi at Benjamin na, na hindi na sinagot ng dalawa.

Kung nasusubaybayan ninyo ang love life nina Lovi at Benjamin, wala silang naging romantic involvement (o baka hindi lang alam ng press people). Close friends lang ang dalawa mula nang magkasama sa isang horror movie ng Regal Films. Nasundan pa ‘yun ng pelikulang Sana Dati.

May chemistry sina Lovi at Benjamin at close, pero hanggang friendship sa ngayon ang relasyon nila. Nursing a brokenheart pa yata si Benjamin after his break-up with Julie Anne San Jose.

Si Lovi naman nali-link sa British Executive Producer na si Montgomery Blencowe na na-meet niya habang nasa Los Angeles siya. Kaya marami ang nagulat nang mag-post si Lovi ng photo nila ng Canadian actor na si Torrance Coombs at inakalang ang aktor naman ang BF niya.

Pia, Nadine, at Sam, eeksena sa concert ni Dua Lipa

Magandang balita ang nabasa namin na makakasama sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at Nadine Lustre sa concert ng British singer na si Dua Lipa sa concert sa Indonesia Convention Exhibition sa Jakarta sa March 26.

Ang Lazada ang nasa likod ng concert at nag-imbita kina Pia at Nadine at iba pang singers from different countries para sa kanilang 17th anniversary.

Ang hindi maganda, open ang concert sa invited guests ng Lazada at mapapanood lang ng fans from the Philippines, Malaysia, Indonesia, Singapore, Vietnam at Thailand sa phone via app ng Lazada.

Kasama rin sa concert sina Sam Concepcion ng Pilipinas; Agnez Mo at Nadya Hutagalung ng Indonesia; at Dong Nhi, Tran Tranh at Allan Wu ng Vietnam.

Makakasiguro tayo na itataas nina Pia, Nadine at Sam ang bandila ng mga Pinoy sa kanilang performances.

Sen. Nancy lalong minahal sa timba at tabo

Na-bash si Sen. Sonny Angara nang mag-tweet ng “Hirap mag-sexy time kung nakatabo lol! at may hashtag na #ShowerTogether #ConserveWater” dahil insensitive sa pinagdadaanang water crisis ng mga taga-Metro Manila.

Si Sen. Nancy Binay na nag-post ng balde na walang lamang tubig at may tabo at may caption na “My Bff for summer #walangtubig #timbaattabo,” hindi na-bash at nakisimpatiya pa sa kanya ang kanyang followers.

Gaya raw sila ng senador na nakakaranas ng water crisis at gaya ng senadora, gumagamit din sila ng tabo sa paliligo para makatipid sakaling may tubig. May humirit pa nga na kahit walang tubig, mahal pa rin nila ang mga Binay at iboboto si Sen. Nancy sa May 13 elections.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with