^

Pang Movies

Mga Badjao na nanghihingi ng datung kinaiinisan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Katuwa naman ang epic-drama series na mapapanood na sa GMA-7, ang Sahaya, na hango ang ilang parte sa buhay ng mga katutubong Badjao na araw-araw kong nakikita at naaabutan ng barya kapag sumasampa sila sa mga jeep or nakasabit sa tricycle na sumasakay.

 

Mahal ko iyang mga Badjao, pag nga humihingi sila ng barya, nakahanda na ang ?20 na isinisilid ko sa kanilang sobre. Ang ibang pasahero naman nagagalit sa kanila. One-time sinabihan ako nang ‘di ko raw dapat binigyan ng pera ‘yun. Nakangiti lang ako, sagot ko naman, hayaan na ninyo, maliit na bagay.

Tanong ko pa sa babaeng ‘di kagandahan, “nagbigay ba kayo?”, Hindi raw. Smile na lang ako!

Sa nasabing serye ng Kapuso network, tampok ang mga magagaling na artista sa pangunguna ng young stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at ang build up actor nila na si Migo Adecer.

Si Sahaya ay isang magandang babaeng Badjao na nagsikap umangat ke­sehodang lahat ng hirap ay danasin niya at hindi lamang sa pangsariling kagustuhan, para na rin sa kanyang angkan at mga kalipi.

Take note masyadong naging workaholic sina Bianca at Miguel, naging seryoso sila sa kanilang trabaho, at ang production staff naman na inspired din, nagpagawa sila ng isang village sa paligid ng dagat at mga punong kahoy, kumuha rin sila ng mga batang swimmer at mangingisda para lang magsilbing taga-alalay sa lahat ng cast kung saan kabilang sina Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Pen Medina, Juan Rodrigo, Ana Roces, Debra Liz, Ashley Ortega, Snooky Serna, Benjamin Alves, Jasmine Curtis Smith, Karl Medina at iba pa.

Talagang natataon ang seryeng Sahaya dahil summer na naman, at higit sa lahat isa itong pagbibigay puri sa isang Badjao. It’s a date Kapuso, March 18, after ng Kara Mia.

Pagkawala ng internet connection, malaking abala!

Grabe! Laking perwisyong ginawa ng Sky Cable sa buong Golden City Sta. Rosa, Laguna, Brgy. Dita. Nasa panglimang araw nang walang wifi at internet cable. Dusa tuloy ang mga residente dahil very important sa kanila ang internet na gamit nila sa kanilang hanap-buhay tulad na lang ng mga istudyante sa school  at ako as a writer na may daily column. Paano ka hahabol sa deadline kung walang internet?

Kesyo may nasirang connection sa cable/ internet pero on going naman ang padala ng Sky server ng reminder ng due date na every 26th day of the month.

Kaya March 26 ang due date ng payment kuno ng cable internet na hindi nagagamit. Diyan kayo magaling! Ayusin muna ninyo bago maningil.

Paano na yan, mag-refund kayo, Danios perwisyo.

vuukle comment

BADJAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with