^

Pang Movies

Heart fashionista pa rin sa pag-iikot sa palengke

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart fashionista pa rin sa pag-iikot sa palengke

Nakatikim pa rin ng bashing si Heart Evangelista nang sumama siya sa asawang si Chiz Escudero sa pag-iikot ng senador sa Sorsogon nitong nakaraang mga araw.

 

Nag-ikot siya sa isang palengke sa probinsiya at pinost niya ang isang foto sa lugar kasama ang ilang kababayan ng asawa.

Caption ni Heart sa foto, “If you know me, you’d know that I love meeting few people. That’s why I enjoy tagging along to my husband’s campaign trips from time to time, because I get to go to different places and talk to different people – exchanging stories and sharing laughs with them. It’s always so nice that I got to do this again and again! #MahalKongSorsogon.”

‘Yun nga lang, isang netizen ang kumuwestyon ng, “I am from sorsogon ahem. Anu ba ang mga nagawa ng escudero jan eh ni firetruck sa brgy eh wala ung mern jusme. Napaka outdated.”

Sagot ni Mrs. Escudero sa netizen, “Hay research. Baka maiyak ka!”

Take note, lutang na lutang pa rin ang pagiging fashionista ni Heart kahit nasa palengke, huh!

EB hataw na rin sa YT

Tumanggap ang Eat Bulaga ng Gold Play Button mula sa YouTube. Bini­bigay ang ganitong recognition sa YT channels na merong 1 million subscri­bers, huh!

Sa IG ng noontime show, idinispley nila ang milestone na nakuha nila sa YT.

Ang video na may pinakamaraming views ay ang unang kilig moment nina Alden (Richards) at Yaya Dub (Maine Mendoa) na mahigit 3.3 million ang views, huh!

Ngayong nasa Israel ang EB Dabarkads, abangan sa channel ng program ang bakasyon nila sa Holy Land.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with