^

Pang Movies

Sikat na K drama actor na hindi na masyadong bagets, nasa ‘Pinas na

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sikat na K drama actor na hindi na masyadong bagets, nasa �Pinas na

Nasa bansa na ang Korean actor na si So Ji-sub.

 

Bukas ay magkakaroon siya ng fan meeting sa New Frontier Theater (dating KIA Theater).

Hindi na masyadong bagets si So Ji-sub pero siyempre marami pa ring nababaliw sa kanya.

Isa sa mga sumikat na k drama series niya ang Oh My Venus.

Ronnie Ricketts guilty!

Matapos mag-comeback sa pelikulang Exit Point, hinatulan ng Sandigan ng guilty of graft si former Optical Media Board (OMB) chief Ronnie Ricketts. Parang almost a month ago lang nang ipalabas ang pelikula ng dating hepe ng OMB / action star na nagbabalak buhayin ang career na sadly ay parang first last day sa mga sinehan. At kahapon nga ay sinentensiyahan siya ng at least six years and one day hanggang eight years na pagkakakulong. Pero bailable naman ng 30,000. 

Konekted ang kaso sa umano’y pare-release nila ng mga na-confiscate na DVDs and VCDs noong 2015 kung saan uso pa ang mga pirated VCDS and DVDs. Ngayon waley na. Siyempre online na ang piracy at nasa streaming na rin ang mga pelikula kaya wala na halos namimirata ng compact disc or video compact disc.

JM magiging karate champion 

Magdadala ng inspirasyon si JM De Guzman sa pagbida niya sa kwento ng Filipino Karate champion at international MMA fighter na si Ramon Gonzales na sinubok ng kapalaran sa MMK ngayong Sabado (Marso 16).

 Lumaking mahirap si Ramon (JM) at maagang naulila sa ama. Mula sa probinsya, nakipagsapalaran siya pa­puntang Maynila upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya at makatapos ng pag-aaral.

 Hindi nagtagal, isang bagong pag-asa ang kanyang matatamo nang hinimok siya ng kanyang guro na pasukin ang Karate at makalibre sa pag-aaral. Mabilis naman siyang natuto hanggang sa nakitaan siya ng potensyal ng isang Singaporean Kyokushin Karate trainer na si Sensei Steven (Atoy Co) na tumulong sa kanyang matapos ng high school at maging isang Karate champion.

Ngunit isang dagok pa pala ang kahaharapin ni Ramon nang mabuntis ang kanyang girlfriend at kalaunan ay ninoko siya. 

Paano pa kaya kinaya ni Ramon bumangon matapos ang ilang pagsubok na nagdaan sa kanyang buhay? Ano ang nag-udyok sa kanya sa pagpasok sa MMA? 

Panoorin ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN

vuukle comment

SO JI-SUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with