^

Pang Movies

Ken Chan at Rita Daniela hindi inasahang ang pag-click!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ken Chan at Rita Daniela hindi inasahang ang pag-click!

Isa pang hinihintay ng netizens ay ang malapit nang magtapos na top-rating GMA Afternoon Primetime na My Special Tatay nina Ken Chan at Rita Daniela. Goosebumps palagi ang feeling ng bagong love team na tinawag na BoBrey (for Boyet and Aubrey), kapag nagkakaroon sila ng mall show sa malalayong lugar ng bansa, dahil laging dumog ang mga pumupunta sa kanilang show.

Iyon daw naman ang concern nina Ken, Rita at production team ng My Special… na mapaabot sa mga tao ang concept ng kanilang serye. 

Ano ang pakiramdam nila ngayong pinupuri at nagugustuhan ng mga tao ang kanilang serye? “Sobra po ang pasasalamat ko sa kanila,” sabi ni Ken. “Kung noon pong ibinigay sa akin ng GMA ang Destiny Rose, nabuksan po ang bagong pintuan sa akin, pero nang gampanan ko ang role ni Boyet na may mild autism, hindi lamang pintuan ang nagbukas, pati bintana ay nabuksan.

“Nagkasunud-sunod po ang pagtanggap ko ng awards, at may coming concerts kami ni Rita. Marami pong nakikipag-usap sa akin na mga mothers na tulad ng nangyari sa amin ng nanay kong si Isay (Lilet) ang nararanasan nila. Single mother din siya at five years old ang anak niya, naging inspirasyon daw nila kami.

“Ang sarap po sa pakiramdam na importante ka sa mga nakakausap mong tao,” sabi naman ni Rita. “Hindi ko po alam nang tanggapin ko ang role ni Aubrey ay ganito ang magiging dating sa mga televiewers. Maraming opportunities na dumarating at nakaka-reach out kami sa mga tao. Hindi ko na nga alam na ‘Rita’ ang name ko dahil kahit saan ako pumunta, ‘Aubrey’ ang tawag nila sa akin.”

Ikinatuwa rin nina Ken at Rita, na nabili na ng Latin-American TV ang My Special Tatay. Napanood daw nila iyong ilang eksenang naka-dub na sa Spanish at tuwang-tuwa sila. Ipalalabas na ito sa Latin American countries, sa Peru, Ecuador, Venezuela at Costa Rica kasabay ng iba pang GMA teleseryes.

Ngayon ay nasa last three weeks na ang serye na napapanood pagkatapos ng Inagaw na Bituin.

Jo Berry nakapasa

Excited na ang sumusubaybay sa family drama series na Onanay, na walong buwan nilang hinintay gabi-gabi kung paano magtatapos ang malungkot-masayang buhay ni Onay played by the little people Jo Berry. Nakapasa sa expectations ng viewers ang kahusayan sa pagganap ni Jo sa kanyang role, to think na dinanas niya ang mga hirap na ginampanan ng isang babaeng may normal height.

Grand finale episode na mamayang gabi, after ng Kara Mia at happy ending ba ang buhay ni Onay at ng mga anak niyang sina Rosemarie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos). Manaig kaya ang pagmamahal ni Onay kay Lucas (Wendell Ramos) at patawarin niya? Ang kinamumuhiang si Helena (Cherie Gil), makakaligtas pa ba siya kay Vince (Marco Alcaraz) na gusto siyang patayin?

vuukle comment

KEN CHAN

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with