^

Pang Movies

Kathryn at Alden movie matagal nang kasado

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kathryn at Alden movie matagal nang kasado
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Alam mo, Ateng Salve, noon ko pa alam ‘yung tungkol sa pelikulang gagawin nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kukunan sa Hongkong ngayong April.

Nag-inquire kasi sa akin ang isang taga-Star Cinema tungkol doon.

Gusto nilang kunin si Assunta de Rossi para gumanap na nanay ni Kathryn, pero katulad nga ng ibang mga offer sa kanya, hindi tinanggap ng misis ni Jules Ledesma dahil ang priority niya ay ang magbuntis at mai-stress nga lang siya kapag tumanggap pa siya ng movie o TV projects.

Siyempre, hindi ko naman puwedeng ibuking ang offer na ‘yon kay Assunta at ang Kathryn-Alden project dahil magagalit naman ang kausap ko na taga-Star Cinema.

Anyway, maganda naman ang feedback sa announcement sa project nina Kathryn at Alden, sana nga lang ay suportahan ‘yon ng KathNiel fans ng young actress at ng boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Ang AlDub fans kaya, suportahan din ang pelikula ni Alden with Kathryn lalo na at seloso’t selosa ang karamihan sa kanila?

Well...

Rufa Mae walang paki sa presyo ng mga sina-shopping!

Naaliw ako sa kuwento ng isang nakilala ko sa London, England.

Noong magpunta raw sa United Kingdom si Rufa Mae Quinto some years back, tuwang-tuwa raw ang sexy comedienne dahil isinama siya sa outlet stores sa may Oxford.

Super shop daw si P-chi (palayaw ni Rufa Mae).

Parang dedma lang daw sa presyo si P-chi at hindi iniisip na UK Pound ‘yon. Pero ang kasamang P.A. (personal assistant) naman daw ni P-chi ang compute nang compute.

Ngayon naman, mukhang mahilig pa ring mag-shopping si P-chi, pero mukhang ang two-year-old daughter na niyang si Alexandria Athena ang mas pinamimili niya.

Marami ang cute na cute sa kanyang baby girl, kaya naman parang enjoy rin si P-chi na palaging binibihisan si Alexandria Athena.

Marami nga ang nagsasabing like mother, kikay rin daw ang dating ng bata, huh!

Malabong pagsamahin...

‘Kaloka lang na dahil nasa GMA-7 uli si Mylene Dizon at kasama nga siya sa cast ng Sahaya na magpa-pilot telecast na on Monday sa primetime ng Kapuso network ay naiintriga na naman sila ni John Estrada.

Kung matatandaan, ang issue kina John at Mylene ang sinasabing dahilan kung bakit nag-alsa-balutan sa ABS-CBN ang una at lumipat nga sa Siyete.

Oo nga pala, kasama si John sa Kara Mia primetime fantaserye ng Siyete at sila ni Carmina Villaroel ang magka-partner doon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with