^

Pang Movies

John at Mylene malabong magsama

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
John at Mylene malabong magsama
Mylene Dizon at John Estrada

Tiyak na gagawa ng maintrigang kuwento ang ginawang paglipat ni Mylene Dizon sa GMA-7 mula sa ABS-CBN. Paanong hindi? eh nauna na sa kanyang lumipat sa Kapuso Network si John Estrada matapos ang malubha nilang pag-aaway habang magkasama silang gumagawa ng isang serye sa Kapamilya na naging dahilan para matanggal si John sa serye.

Kasama si Mylene sa bagong serye ng Kapuso na nagtatampok sa tambalang BiGuel.

Ngayong magkasama na sila sa iisang istasyon ni John, hindi malayong magkasama sila sa trabaho ng aktor na ayaw munang isipin ni John at gusto munang iwasan para hindi na maungkat muli ang naging pag-aaway nila ng aktres. Pero hindi niya minamasama ang ginawang paglipat ni Mylene dahil trabaho ito.

Isang malaking powerhouse cast ang magi­ging suporta ng BiGuel sa Sahaya na maituturing na magiging isa sa pinakamahal na serye na gagawin ng GMA-7 dahil bukod sa mga malalaking artista na nasa cast tulad nina Migo Adecer, Eric Quizon, Zoren Legaspi, Pen Medina, Debra Liz, Ana Roces, Ashley Ortega, Snooky Serna at Jasmine Curtis Smith, nasa direksyon din ito ni Zig Dulay, isang direktor na mahilig gumawa ng kuwento tungkol sa ating mga katutubo. Bago ang mga Badjaw, mga Aetas ang naging tampok sa isang nauna niyang ginawang pelikula.

Nadine ibang level ang acting

Kahilera na ni Nadine Lustre sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Julia Barretto dahil sa level up na nitong pa-arte.

Pinuri si Nadine sa napaka-ganda niyang performance sa Ulan, isang naiibang love story na ginamitan ng folklore, pero wala si James Reid doon, kung hindi sina Carlo Aquino, Marco Gumabao at AJ Muhlach ang mga gumanap bilang kanyang mga leading man.

Timing na timing ang ginawang paghihiwalay pansamantala ng JaDine dahil mas nabigyan ng mas malaking hamon si Nadine na magsolo.

Maine may parinig sa paglipat ng network?!

Baka mamatay sa bashing si Maine Mendoza kapag nagdesisyon siyang lumipat ng network, gayung nasa punto pa siya ng magulo ang kanyang propesyonal at personal na buhay.

Papayagan ba siya ng APT Entertainment na siyang nakadiskubre sa kanya at nag-build up para maging isang malaking artista? Baka hindi niya makayanan ang magiging reaksyon sa kanya ni Joey de Leon na siyang pinaka-vocal sa trio nila nina Tito at Vic Sotto. At meron ba namang offer kay Maine ang kabilang istasyon? O baka naman ang kampo ni Maine ang nagpaparating ng feelers sa kabila?

Bidang bata sa bagong serye ng ABS-CBN, inaabangan!

Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang na makilala ang bagong batang babae na bibida sa Nang Ngumiti Ang Langit, bagong serye ng Dos na nasa direksyon ni FM Reyes. Napaka-impressive kasi, hindi lamang ng cast kung hindi maging ng trailer na nagsimula nang ipapanood sa publiko.

Sayang at maikli lamang ang role ni Kaye Abad, marami na ang nakaka-miss sa kanya. Ang cute ng eksena nila ng child newbie habang naliligo sila.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

MYLENE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with