^

Pang Movies

Buwelta sa isyung mang-aagaw Jessy Mendiola pumatol sa basher!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Buwelta sa isyung mang-aagaw Jessy Mendiola pumatol sa basher!

Nakipagsagutan si Jessy Mendiola sa isang netizen tungkol sa lumang issue at akusas­yon na nang-agaw siya ng boyfriend.

Nagkomento kasi ang netizen sa isang larawan niya na in-upload at binanggit si Angel Locsin na alam naman nating ex-girlfriend ng boyfriend niya ngayong si Luis Manzano

“Baka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si LUIS kay Angel before para matahimk na sila sa pamba-bash sa Inyo…

“Ang tao minsan Hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutchada nila, isang malaking sagot bigay mo sa kanla at nasa tao na if maniniwala or Hindi pero in the end matahimik na sila ksi may closure na e..” komento ng basher.

Sinagot ni Jessy ang komentong ito.

“Bakit ako aamin ng hindi totoo? yung mga basher hindi nila alam ang totoong nangyari. Bakit ako aamin para lang tumigil sila? Para lang manahimik sila?

“Ang basher kahit anong sabihin mo hindi nila tatanggapin yun. Ilang beses ko nang sinagot sa mga interviews noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi.

“Kaya dapat ipasa Diyos nalang yan, nakikita naman niya ang lahat. Good vibes lang Aisha, let go mo na yang issue na yan. Happy na kaming lahat,” sagot ni Jessy.

Sumagot naman ang netizen na alam naman niya na walang katotohanan ang isyung ‘yun pero marami pa rin daw ang mga sarado ang utak na ganu’n ang iniisip.

Sagot naman ni Jessy, “kaya hayaan mo nalang maniniwala sila sa gusto nilang paniwalaan kahit pa mali o hindi totoo. God bless you.”

Bea mas lantad na kay Gerald

Binigyan ng surprise birthday party ni Bea Alonzo ang boyfriend na si Gerald Anderson last Sunday. The actor just turned 30 last March 7 pero wala ito sa Pinas at nasa US ayon na rin sa post ng aktres that day.

Kaya naman understandable kung bakit last Sunday lang sila nakapag-celebrate sa Pinas.

Sa video na ipinost ng isang obviously ay malapit nilang kaibigan, makikitang dumating sa venue si Gerald at bumulaga sa kanya sina Bea and some friends.

Pagbukas ni Gerald ng pinto ay sumigaw si Bea ng “surprise” saka yumakap sa boyfriend.

Tumugtog naman agad ang “happy birthday” music at niyaya ni Bea si Gerald na lumapit sa 3-layered cake para i-blow ng aktor.

Halata namang na-surprise si Gerald pero makikita rin ang kasiyahan sa aktor.

Anyway, mukhang nagbago na nga si Bea at kung dati ay sobrang malihim siya sa kanyang nararamdaman, ngayon ay very expressive and vocal na siya. Proof nga ‘yung pagpo-post niya ng sweet birthday message kay Gerald na hindi naman niya dating ginagawa.

Ang nasabing birthday greetings ni Bea ang first time na pagkumpirma ni Bea ng relasyon nila at tinawag pang “babe” ang aktor.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with