^

Pang Movies

Ulan at Kuya Wes hahatulan!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ulan at Kuya Wes hahatulan!

Magkasabay na magbubukas sa mga sinehan nationwide bukas (March 13) ang Ulan, produced by Viva Films, at Kuya Wes, na Spring Films naman ang nag-produce.

Let’s keep our fingers crossed that both film ay ulanin ng suwerte sa takilya.

Unang beses nagsama-sama sina Nadine Lustre, Carlo Aquino at Marco Gumabao sa Ulan na directed by Irene Villamor.

Sa Kuya Wes naman na idinirek ni James Robin Mayo, unang beses nagkasama sina Ogie Alcasid and Ina Raymundo.

For her role in Kuya Wes, Ina shared honors with AiAi delas Alas, when they both won best actress (AiAi for School Service) in the recently-concluded Fantasporto International Film Festival (FIFF) in Portugal.

Bagama’t walang natanggap na award for his performance in Kuya Wes, Ogie is happy for Ina’s victory. Likewise, overwhelmed daw siya with the good reviews na nakukuha ng Kuya Wes mula sa mga nauna nang nakapanood nito.

Ang kanyang ama raw na si Herminio Sr. ay personal pa siyang binati for a job well-done na labis daw niyang ikinagulat since sa rami na raw ng pelikula niyang napanood nito, napansin daw nang husto ng ama ang kanyang performance sa Kuya Wes.

Feeling daw tuloy niya, jackpot siya in all aspects of the movie.

Well, good luck, too, Ogie.

Kiko, hindi kinahihiyang mama’s boy

Hangang-hanga kami, Salve A., sa mga artistang lalaki natin who openly admits na mama’s boy sila. Two of them, we want to cite are Kiko Estrada and Gerald Anderson.

Sa katatapos na interview sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda (TWBA), madalas banggitin ni Kiko kung gaano niya kamahal ang kanyang ina na si Cheska Diaz. Na­ging artista rin si Cheska na anak ng late foremost character actor, Paquito Diaz.

Kasal na siya ngayon kay Carlos Morales at may anak sila na malapit din kay Kiko.

He loves daw his stepdad. In the same way that he loves his dad, former actor-turned politician Gary Estrada.

Kasal na ngayon si Gary kay Bernadette Allyson kung saan siya may dalawang anak.

Gerald aminado kung gaano ka in love kay Bea

At 30 ay aminado si Gerald Anderson na super in love siya kay Bea Alonzo, na nagbibigay raw sa kanya ng inspirasyon.

His biggest admiration, though, remains his Mom, Evangeline, whom he may not have grew up with, but still feel na feel niya ang love nito, noong mga panahong he was with his dad na isang foreigner, sa ibang bansa.

Lahat daw ng katangian na mayroon siya nga­yon ay nakuha niya sa kanyang ina – ‘yung patience, pagi­ging hard working at mapagmahal sa kapwa.

Bukambibig daw na bilin sa kanya ng ina na maging mapagpakumbaba at maging kind, lalo’t sa mga nakakatanda sa kanya.

Sa General Santos City raw namamalagi ang kanyang ina. Ganun pa man, they keep in touch daw. Bukod sa gumagawa siya ng paraan, despite his busy schedule na dalawin ito. Minsan naman daw ay ang kanyang ina ang dumadalaw sa kanya dito sa Manila.

May bagong pinagkakaabalahan si Gerald, bukod, of course, sa kanyang pag-aartista at ilang sports activities. Kabubukas lamang niya ng kanyang bagong negosyo, ang The Th3rd Floor na isang gym. Ngayon pa lang ay dinarayo na ito ng marami.

Kabilang, of course, ang kanyang girlfriend na si Bea.

And, by the way, may hihigit pa ba kay Boy Abunda, sa proclaim kung gaano niya kamahal ang kanyang ina?

Bukambibig niya for us all to make our “Nanay” proud.

So, be it, Boy.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with