^

Pang Movies

Maine tama lang ang ginagawa!

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine tama lang ang ginagawa!
Maine

MANILA, Philippines — Mistulang nalulunod ngayon sa tubig si Maine Mendoza, wala na siyang pakialam sa mga tagahangang nagluklok sa kanyang tronong inuupuan ngayon. Hindi na niya dinidinig ang kahit anong pakiusap ng mga ito, ‘di tulad noong bago lang siyang namamayagpag.

Magbuhat nang ma-inlove ang aktres kay Arjo Atayde ay tila wala na siyang pinaki­kinggan. Ang gusto kasi ng kanyang fans, kay Alden Richards lang siya puwedeng i-partner.

Sa isang banda, tama lang naman si Maine, hinanap lang niya ang lalaking magmamahal sa kanya at hindi for showbiz lang.

Wendell paboritong paglawayan ng mga kasambahay!

Naging masuwerte si Wendell Ramos buhat noong magbalik ulit siya sa Kapuso at isinama bilang kapareha ni Jo Berry sa serye nitong Onanay starring Nora Aunor at Cherie Gil. Matagal din siyang naging Kapamilya at Kapatid, pero sa seryeng Onanay, masasabing doon talaga siya sumikat at naging prince charming. Pinagpantasyahan siya lalo na ng mga kasambahay.

Ibinigay lahat ni Direk Gina Alajar kay Wendell ang lahat ng pagsubok. Pinatawa at pinaiyak ang aktor.

Marami natutuwa na ibinalik ni Direk Gina ang ganoong tema ng istorya, na mapapanood lang noong araw. Ngayon kasi ay pulos kabaklaan at sigawan na lamang ang umiiral sa isang istorya sa serye.

Si Wendell ay isa ring writer.

Monsour postponed ang pelikula

Idol ang tawag ng karamihan kay Congressman Monsour Del Rosario, na ngayon ay tumatakbong vice mayor ng Makati.  Marami siyang naipasang bill sa nasabing lungsod at ngayon ay mas marami siyang plano para sa kabutihan ng mamamayan. 

Hindi na muna itinuloy ni Monsour ang action movie na sana ay gagawin niya noong Pebrero dahil sa nasabing pagtakbo.

Coco pinangakuan ng sasakyan si Eddie

Natuloy raw kaya ang pangakong sasakyan ni Coco Martin para sa beteranong aktor na si Eddie Garcia?

Muling nagbalik si Eddie sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Don Emilio, ang malupit na lolo ng kaaway niyang si Joaquin na ginampanan noon ni Arjo. Ngayong wala na ulit ang karakter niya dahil sa pagkakapatay sa kanya sa nasabing serye kamakailan lang, bigyan pa nga kaya talaga siya ni Coco ng sasakyan?

Hintayin na lang natin.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to March celebrants na sina

Dawn Zulueta, Senator Robert Jaworkski, Ms. Tina Monzon Palma, former  Senator Ramon Revilla at Ms. Shirley Kuan.

Condolence…

Our deepest condolence to the family of Estrella family ng Baliwag, Bulacan dahil sa pagkamatay ng dating mayor noon na si Romy Estrella, ang ama ng kasalukuyang mayor na si Ferdie Estrella.

Personal…

Kumakatok po sa inyong mga puso ang reporter na si Obet Serrano na kasalukuyang nasa ICU ang kanyang anak. Nauna na siyang tinulungan ni Amanda Amores.

Sana ay matulungan natin siya.

 

 

 

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with