^

Pang Movies

Piolo Pascual tameme sa MarNigo!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Piolo Pascual tameme sa MarNigo!
Maris Racal at Inigo Pascual

Sanib puwersa na sina Maris Racal at Inigo Pascual sa single nilang Tayo na ‘Di Tayo na available na sa lahat ng digital music store.

Grabe ang pagkasabik ng fans sa MarNigo loveteam kaya buhos agad ang mga gustong makinig nito.

Naghihintay na rin ang fans na bigyan nila ito ng music video.

Kakaiba talaga si Maris na talagang talented mula pa noong umpisa. Magaling siya talagang magsulat ng kanta kung saan siya rin mismo ang nagko-compose at nag-aareglo.

Nakaka-LSS ang ly-rics ng bago nilang kanta ni Inigo. Nakadagdag pa sa dating ng kanta ang maganda nilang blending. Super kilig ang fans na abot ang ngiti at kilig hanggang tainga.

Request ng fans na bigyan pa ng maraming projects ang kanilang “mamameh” at “papapeh” dahil puro good vibes ang hatid nila sa mga tao.

Ngiting tagumpay ang dalawa sa una nilang collaboration, at ngayon pa lang ay balak nang gumawa uli ng kasunod si Inigo.

Samantala, natutuwa ang fans dahil suportado si Piolo Pascual, hindi lang sa kanilang career kung hindi sa lovelife rin ng kanyang anak, ganunpaman, hindi ito nakikialam sa dalawa.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

MARIS RACAL

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with