^

Pang Movies

Cristine mas naging seryoso sa trabaho!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cristine mas naging seryoso sa trabaho!
Cristine Reyes

Pagpapa-sexy hindi raw kailangan

Sobrang excited si Cristine Reyes para sa pelikulang Maria at nang una pa lang daw sabihin ng Viva Films na gagawa siya ng action film ay umokey na raw agad siya. Sey nga niya sa presscon kahapon, sa 15 years niya in the business, hindi nga raw niya akalaing gagawa siya ng action film.

Ang pelikula ay tungkol sa dating assassin na si Lily. Matapos niyang suwayin ang utos ng kanyang organisasyon, pineke niya ang kanyang kamatayan. Nagtago siya sa malayong probinsiya kung saan siya nagbagong-buhay gamit ang pangalang Maria. Dito niya nakilala si Bert, isang negosyante na kanyang naging asawa. May anak sila na nagngangalang Mina.

Nagulo ang tahimik na buhay ni Maria nang matunton siya ng mga tauhan ng Black Rose, ang dati niyang orga­nisasyon. Nang mabigo siyang protektahan ang kanyang pamilya sa dati niyang kasamahan na si Kaleb, mapipilitan si Maria na bumalik sa marahas na buhay upang makapaghiganti.

Matinding training ang pinagdaanan ni Cristine para sa kanyang papel. Sa kanyang Instagram story, pinakita niya ang mga pasa sa braso at binti na nakuha niya sa isang fight scene. Gayunpaman, walang anumang reklamo ang aktres.

Natanong nga si Cristine kung kakabugin ba niya si Anne Curtis sa BuyBust sa pelikulang ito at sagot niya, iisa ang fight director nila ni Anne na si Sonny Sison kaya kung ano raw ang mga itinuro nito sa aktres ay siya ring itinuro sa kanya.

May pagkakaiba nga lang daw ng style since ang role nga niya rito ay assassin.

When asked kung ibinuhos ba niya ang lahat ng galit niya dito sa pelikulang ito, sagot ng aktres na new look ngayon because of her raid hair, “you know what, honestly, pag nagtatrabaho ako, I’m really serious with work. Now that I’m a mother, I value my work more. So, kung ano ang hinihingi sa akin ng direktor, ang hinihingi sa akin ng writer, pinapag-aralan ko at kapag hindi ko siya nakuha, uulit ako. Ayokong nagpapabaya.”

Of course, ang gustong tumbukin naman talaga sa kanya ay kung ibinuhos ba niya ang galit sa asawang si Ali Khatibi sa pelikulang ito since ang balita nga ay hiwalay na sila. Pero hindi ito pinatulan ng aktres.

Halata ring umiiwas si Cristine na mapag-usapan si Ali at talagang no mention ng pangalan nito. Basta ang lagi lang niyang binabanggit ay ang anak nilang si Amara.

Natanong din si Cristine kung may sexy scenes din siya rito tulad sa mga nakaraang pelikula niya at ayon sa aktres, siguro naman ay hindi raw niya kailangang magpa-sexy pa para tangkilikin ang pelikula.

“Well, honestly, wala kaming kahit anon’g sexy scenes dito but I guess, I can say naman na hindi ko kailangang magpa-sexy para tangkilikin ‘yung project. Kasi ‘yung buong pelikula ‘yung dapat na tingnan.

“And at the same time, I’m sexy so, ano’ng kailangang gawin,” sey ni Cristine with a laugh.

Showing na ang Maria sa March 27 sa mga sinehan. Kasama rin sa movie sina Ivan Padilla, KC Montero, Guji Lorenzana, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb at Ronnie Lazaro mula sa Viva Films, BlackOps Studios Asia, at PsyOps.

Samantala, puring-puri naman ni direk Pedring si Cristine. In his Twitter post, pahayag niya, “Cristine handles the fights with almost 90% of all her stunts without doubles”.

Sa isang panayam, sinabi ng internationally acclaimed director (Best Director at the Los Angeles Philippine Film Festival and Festival Internacional de Cine Fantastico de Torremolinos para sa Nilalang) na fan siya ng ‘80s action at gusto niya itong ibalik ngunit ilagay sa “modern setting”.  Layunin rin niya na gamitin ang Filipino martial arts sa pelikulang ito. Maging ang fight director ay pinuri-puri rin si Cristine.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with