^

Pang Movies

Ruffa Gutierrez natakot mapilayan sa jet ski!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa Gutierrez natakot mapilayan sa jet ski!

Ang flight back kahapon ng mag-iinang Ruffa, Lorin at Venice Gutierrez mula sa Niseko, Japan. Nakaisang linggo rin doon ang mag-iina at nag-enjoy sila sa pagdye-jet-ski.

Sumuko nga lang si Ruffa sa jet-ski lesson dahil ilang beses siyang sumemplang at nakakatakot daw na mapilayan siya.

Pero sina Lorin at Venice, ang galing na sa pagdye-jet-ski, kaya very proud mother si Ruffa.

Ini-enjoy na nga pala ni Ruffa ang mga ganoong bonding nila dahil sa August 3 ay mag-16 na si Lorin at sa September 11 ay 15 na si Venice.

Sabi noon ni Ruffa, gusto raw mag-aral abroad ng kanyang mga anak kapag college na ang mga ito at sa summer vacation nga nila sa Amerika ay kukuha si Lorin ng short class.

Sabi naman ng lola nila na si Annabelle Rama, mas gusto na raw ni Lorin na mag-college sa bansa.

Hmph! Sino kaya sa kanila ang paniniwalaan ko?

Anyway, nag-host din si Ruffa ng Miss Niseko 2018/2019 beauty contest, kaya hindi lang talaga bakasyon ang ipinunta nila sa Japan.

Pelikula ni Karla Estrada kaliwa’t kanan ang block screening

Maraming pa-block screening ang Familia Blondina na pinagbibidahan ni Karla Estrada. Maraming mga kaibigan at fans ang sumusuporta sa pelikula ng nanay ni Daniel Padilla.

Very thankful si Karla sa lahat ng mga sumusuporta at sa isang block screening pa nga ay umattend ang mag-asawang Robin at Mariel Padilla na sobrang proud ang mga ito kay Karla.

Si Robin nga, sinabi pa na pang-best actress ang galing ni Karla sa Familia Blondina.

Ngayon nga pala ang start ng second week ng Familia Blondina, hopefully nasa mga sinehan pa naman ito.

Old shows ng IBC, ire-revive!

Ang pa-presscon ng IBC-13 ngayong tanghali.

May ia-announce si Ms. Kat de Castro, ang new president/CEO ng Trese.

May TV special/docu sila na ipapalabas sa Friday, 9:30PM kaugnay ng kanilang 60th year. May old show rin sila na iri-revive at may old shows na ipinalalabas uli.

Kara Mia pataas !

Masaya ang atmosphere sa taping ng Kara Mia last Monday dahil ibinalita sa kanila ng program manager nilang si Ms. Hazel na tumaas ang rating nila noong Friday kung saan ay nakakuha sila ng 12.1% kaya naman very thankful ang lahat ng mga kasali sa nasabing fantaserye.

Maganda ang feedback sa Kara Mia, kaya naman inaasahan ng mga taga-GMA-7 na mas lalo itong tututukan ngayong nasa second week na sila.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with