^

Pang Movies

Regine, Jaya at Alden nag-reunion!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Regine, Jaya at Alden nag-reunion!
Alden & Regine

Nagkasama-sama na noon nang matagal sina Regine Velasquez-Alcasid, Jaya at Alden Richards sa Sunday variety shows ng GMA-7 tulad ng SOP at Party Pilipinas, that time, bago pa lamang pasok sa GMA si Alden, pero mahusay na siya talagang sumayaw, kaya pasok na pasok siya sa dance numbers ng show.

Naunang lumipat sa kabilang network si Jaya at last year saka pa lamang sumunod sa kanya si Regine, at pareho silang nasa ASAP na katapat naman ng Sunday PinaSaya ni Alden.

Kaya parang reunion nilang tatlo nang magkita-kita sila sa show to honor the teachers, ang yearly Gabay Guro celebration na ginanap sa Sta. Rosa Convention Center, Sta. Rosa, Laguna, last Saturday, March 2. Ever since rin kasing nagsimula ang Gabay Guro, ay laging nagiging performer sina Alden, Jaya at Regine. 

Dati ay isang malaking presentation ang ginagawa nila sa SM Mall of Asia Arena, pero this year, hinati-hati na nila ito by region.

Kaya post ni Regine sa kanyang Instagram: “Guess who I saw, namiss kita @aldenrichards02.”  Sinagot naman ito ni Alden ng “Miss you too po, Ate.”

Post naman ni Jaya: “So good to see you again Alden grabe! So happy for you’re doing so well @aldenrichards02 #gabayguro2019”

Hindi naman malayong muli silang magkita-kita dahil nga kumakanta na rin si Alden ngayon at hindi rin nawawala na ang dance numbers niya. In fact, sunud-sunod ang shows ngayon lately ni Pambansang Bae sa iba’t ibang lugar sa bansa at by May, ilang shows ang gagawin niya sa GMA Kapuso Pinoy TV abroad.

Dragon Lady kikilatisin na!

Huhusgahan na mamayang tanghali, after ng Eat Bulaga, ang first fantasy drama ng GMA Network sa Afternoon Prime, ang Dragon Lady. Kay Janine Gutierrez as Celestina Sanchez na may dragon-like features at may mystical powers, challenge sa kanya ang mga ginagawa niya bilang isang fierce lady na kapag nagagalit ay bumubuga ng apoy. Challenge din naman sa leading man niyang si Tom Rodriguez ang pagiging Chinese-Filipino niya as Michael Chan. 

Kailangang mag-aral ng Mandarin ni Tom at magkaroon ng sariling Chinese consultant na nakabantay sa kanya sa taping para itama ang pronunciation niya ng Mandarin words, at ayusin din ang dialogue na hindi siya makaka-offend sa Chinese community. Masaya naman si Tom dahil may sarili rin siyang stylist para sa Chinese costume na gamit niya sa eksena.

Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, sama-sama nating subaybayan ang Dragon Lady Mondays to Saturdays sa GMA-7 after ng Eat Bulaga.

Ending ng Asawa Ko… wagi  

Nagustuhan ng netizens ang grand finale ng Afternoon Prime drama series ng Asawa Ko, Karibal Ko last Saturday, after ng Eat Bulaga. 

Pinuri nila na hindi pinatay ang character ni Thea Tolentino as Venus at sa halip pinagdusa at nagsisi siya sa kulungan. Maganda dahil ang finale ay acceptance (tinanggap ng family ni Venus kung sino siya) at forgiveness, dahil pinatawad nila lahat, especially si Rachel (Kris Bernal) ang lahat ng mga kasalanan ni Venus sa halip na paghigantihan pa niya. Congratulations!

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with