^

Pang Movies

Maine at Arjo nagpapaligaya sa Taiwan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maine at Arjo nagpapaligaya sa Taiwan
ArMaine

Sa Taiwan nag-celebrate ng kanyang birthday si Maine Mendoza, umalis sila kahapon ni Arjo Atayde at marami ang nakakita habang nasa airport sila. Pumayag magpakuha ng litrato ang dalawa, pero hiwalay pa rin, hindi pa rin sila pumayag magpakuha na magkasama kahit umamin na si Maine sa kanyang blog na dating na sila. Although, may naniniwalang may relasyon na silang dalawa.

Kaya ‘yung fan na nagpakuha ng picture, dalawa ang litrato niya, isa kay Maine at isa kay Arjo. Inasahan ng fans na mas magiging libre na sina Maine at Arjo na magpakuha ng litrato na magkasama dahil wala na silang dapat itago pa.

Ang nakakaloka lang, marami pa rin ang naniniwalang hindi  totoo ang Maine at Arjo isyu at sina Maine at Alden Richards ang totoong may relasyon.

Ano kaya ang dapat gawin ni Maine at Arjo para maniwala na ang mga nagdududa na real ang Arjo at Maine at walang Alden at Maine?

Carlo at Angelica, nagpaparinigan sa Twitter?!

Hindi matapus-tapos ang isyu kina Carlo Aquino at Angelica Panganiban at may bagong isyu na namang pinag-aawayan at pi­nag­­didiskusyunan ng fans ng dalawa kung sino ang gustong tukuyin ng dalawa sa kanilang post.

Naunang mag-tweet si Angelica ng “Enough. Pakiusap” na sabi ng fans nito, para kay Carlo at sa fans ng aktor na patuloy na nagsi-shade sa kanya.

Sumunod ang post ni Carlo sa Instagram (IG) ng quotation card na: “Maturity is when you keep your mouth shut when you want to say something mean to someone. Only people at peace with themselves can do this.”

Sabi naman ng supporters ni Carlo, para kay Angelica ang post na ‘yun. Hindi lang makapag-comment ang fans dahil naka-set sa private ang IG ng aktor.

Sana, maging maayos uli ang samahan nina Angelica at Carlo kahit bilang magkaibigan na lang at tanggapin na lang ng kanilang fans na friends lang ang dalawa ngayon dahil may ibang love si Carlo.

Samantala, sa March 13, na ang showing ng Ulan nina Carlo at Nadine Lustre sa direction ni Irene Villamor. Umaasa si direk at ang buong cast na susuportahan ng moviegoers ang dalawa at sana, sipagin nang manood ng local movies ang tao. 

Coleen, join sa concert ng mister

Gaya ni James Reid, nagmamadali rin si Billy Crawford sa presscon ng The CR3W concert nila nina James Reid at Sam Concepcion dahil birthday ng mom-in-law niya. Nakakahiya nga naman kung wala siya sa birthday ng mom ng wife niyang si Coleen Garcia-Crawford.

Na-delay ang presscon dahil hinintay ang press people na nanggaling pa sa ibang presscon, gusto na nga raw nina James at Billy na simulan na dahil may mga lakad pa sila. Ilang beses daw sinabihan ang tatlo na magsisimula na ang presscon na laging hindi nangyayari.

Masaya si Billy to be working with James and Sam at pareho sila ni James na favorite singer pala si Sam. Ang isa pang favorite ni Billy pagdating sa vocals ay si Jay-R na sayang at hindi nila kasama sa concert.

Guest ni Billy sa The CR3W si Coleen, pero hindi rin sinabi kung ano ang gagawin nilang dalawa. Manood na lang daw para hindi ma-miss ang surprise nilang mag-asawa.

Nabanggit din ni Billy na kasama sa repertoire niya ang ilang songs sa bagong album niyang Work In Progress kasama ang first single na Filipina Girl na kasama niya si James at si Marcus Davis na sabi ni Billy, napaka-talented na producer.

Ang The CR3W Live in Concert ay gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa April 5, sa direction ni Paul Basinillo. May kamahalan ang tiket, pero sulit sa ganda ng concert at surprises na gagawin nina Billy, Sam at James.

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with