^

Pang Movies

Diana ‘di nagdalawang-isip maging nanay ni Janine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Diana �di nagdalawang-isip maging nanay ni Janine

No second thought pala si Diana Zubiri nang i-offer sa kanya ng GMA Network na maging nanay ni Janine Gutierrez sa Dragon Lady. Para ka­sing hindi masyadong magkalayo ang age nina Diana at Janine, bakit tinanggap niya ang role?

 

“Okey lamang sa akin iyon dahil nagandahan ako sa character ni Almira Sanchez, na mahal na mahal ang anak na gagawin ang lahat para lamang ma­protektahan siya dahil isi­nilang siyang may kakaibang anyo,” paliwanag ni Diana. “Saka ipapakita muna rito kung sino si Al­mira na ginampanan na­man ni Bea Binene. Sa akin, no problem kung gaano ang age gap namin ni Janine, tama rin naman na maging nanay niya dahil nanay na rin naman ako talaga.”

Dalawa lamang ang anak ni Diana. May anak siyang 9 years old na si King Smith at ang baby girl niyang si Aliyah Rose, sa husband niyang si Andy Smith. Sa kanilang mag-asawa, mas siya ang disciplinarian. Kaya kapag may sinabi siya kay King na hindi nito sinunod, grounded sa kanya ang anak, bawal itong gumamit ng social media.

Ang Dragon Lady ay mapapanood na simula sa Monday, March 4, sa world premiere nila after ng Eat Bulaga, mula Lunes hanggang Sabado.

Maine bongga ang celebration

Happy 24th birthday today kay Phenomenal Star Maine Mendoza. Kahapon sa Eat Bulaga, ginanap ang special birthday celebration niya sa APT Studios at binigyan siya ng solo dance opening number.  Tagapanood lamang si Maine sa bawat segment ng show at hindi siya ang naging financier sa Boom segment ni Bossing Vic Sotto. Sina Alden Richards as James Boom, Ryzza Mae Dizon as Boom Madam at Baeby Baste as Baby Boom ang naging financier na ang mga contestant ay malalapit kay Maine, ang college friend niyang si Maryse, Sheena Halili at Chichirita na kasama ni Maine sa Daddy’s Gurl.

vuukle comment

DIANA ZUBIRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with