^

Pang Movies

Miles nagpapaturo pang ma-in love!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Miles nagpapaturo pang ma-in love!

Wow Salve A.  bibida na ang former Goin’ Bulilit mainstay na si Miles Ocampo sa pelikulang Write About Love, for TBA Studios, kung saan leading man niya si Rocco Nacino.

 

No need to tell you na Kapamilya si Miles habang Kapuso naman si Rocco.

Ang pelikulang ididirek ni Crisanto Aquino ay tungkol daw sa young girl na in love. Medyo may worries nga si Miles dahil hindi pa raw siya nai-inlove in real life.

Mabuti na lamang at nandiyan daw sina Yeng Constantino at Joem Bascon para alalayan siya sa mga eksenang super in love siya.

Four years nang kasal ang singer na si Yeng sa kanyang kapwa singer na mister, samantalang ikakasal daw hopefully siya next year, ani naman ni Joem sa kanyang girlfriend of 10 years na di taga-showbiz.

Saturdays nga pala, napapanood si Miles sa sitcom na Home Sweetie Home, kasama sina  Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jobert Austria, Rufa Mae Quinto, Sandy Andolong, Empoy Marquez and teenage actor, Clarence Delgado.

Kris tiyak mababanatan kay Tony

Naku, Salve A., tiyak na makakatikim na naman ng banat itong si Kris Aquino, lalo’t kung matutuloy nga ang isang project kung saan diumano gaganap silang mag-ina ni Tony Labrusca.

Kung sabagay, sa tunay na buhay, halos ka-edad na ni Tony ang panganay ni Kris na si Joshua, who is 26. Tony is only 23.

Tony’s Dad is character actor Boom Labrusca. His mom is singer Angel Jones.

Boom and Angel were never married.

Ipinanganak si Tony sa Houston, Texas (USA) at lumaki sa Canada.

Unang nakatuntong ng Pilipinas si Tony nang sumali siya sa Boyband PH.

Ito rin bale ang unang pagkakataon na na-meet niya ang amang si Boom.

Hindi man napiling member ng Boyband si Tony, still naging dahilan ito para mabigyan siya ng break sa showbiz.

Pinaka-importanteng break para kay Tony ang mapiling leading man ni Angel Aquino sa controversial na digital movie na Glorious, where he played a young man na nagkaroon ng affair with a married and much older woman.

Kamakailan lang nagkaroon ng problema si Tony with the Immigration department, dahil nga isa siyang American citizen.

But this has been ironed out, Tony said.

Alden sa Iceland ang biyahe sa Holy Week

Tiyak nang sa Iceland magpapalipas ng Holy Week si Alden Richards. Makakasama niya ang family ni Tony Tuviera, producer ng Eat Bulaga kung saan napapanood si Alden with his favorite ka-love team na si Maine Mendoza.

Nagiging travel bug lately si Alden, who was also with his entire family in Japan noong nakalipas na holidays.

Lani at Dina ine-enjoy ang pagiging lola

Lola na pala ang singer na si Lani Misalucha, who at 46, has four grandchildren, the eldest of whom is seven years old.

May anim na apo naman si Dina Bonnevie at 56.  Dalawa raw sa mga ito na malapit nang maging teenager ay anak nina Danica Sotto, married to top cager, Marc Pingris. Ang anak naman niyang si Oyo Boy Sotto at married kay Kristine Hermosa.

Sina Danica at Oyo Boy ay anak ni Dina sa comedian TV host na si Vic Sotto, na kasal na ngayon sa actress-host na si Pauleen Luna kung saan mayroon silang two-year old daughter.

Dinas’ new husband is politician Victor Savellano.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with