^

Pang Movies

James na-injured!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May accupunture treatment pa rin pala si James Reid para mag-heal ang injury niya sa shoulder dahil sa training para sana sa Viva Films movie na Pedro Penduko. Kaya, nagmamadali itong umuwi pagkatapos ng presscon ng The CR3W Live in Concert nila nina Billy Crawford at Sam Concepcion. Naghihintay pala sa bahay nito ang acupuncturist.

 

Dahil din sa shoulder injury, kaya hindi muna itutuloy ang Pedro Penduko at ibang pelikula muna ang gagawin ni James sa Viva Films. Dahilan din ‘yun para sa concert at sa music niya muna mag-concentrate si James.

Excited si James to be working with Billy and Sam na idol ang tingin niya at favorite singer/performer niya. Matagal na rin niyang iniidolo ang dalawa, kaya masaya siya kahit sinasabing, he is the weakest sa kanilang tatlo.

Guest ni James ang girlfriend na si Nadine Lustre at dahil nagko-concert na silang dalawa, hindi na sila mahihirapang mag-perform together. Hindi lang sinabi ni James kung ano ang gagawin nila ni Nadine para sorpresa sa fans.

Produced ng Viva Live ang The CR3W sa direction ni Paul Basinillo at guests din sina Coleen Garcia-Crawford at Yassi Pressman.

Sikat na aktor dedma sa pang-iinis ng mga co-host

Palaisipan sa fans ng isang sikat na aktor kung may galit ba sa kanya ang isa niyang kasama sa isang TV show dahil dalawang beses nang pinaparinggan ng kanyang kasama sa show ang sikat na aktor.

Sa isang episode ng variety show na magkasama ang sikat na aktor at kanyang co-host, tinawag ng co-host na “ma’am” ang sikat na aktor. Ginawang rason ‘yun ng bashers ng sikat na aktor para i-bash siya at gawing isyu ang gender ng sikat na aktor.

Noong una, nagparinig din ang co-host sa gender ng sikat na aktor at napapansin din ng fans ng sikat na aktor na dedma ang co-host pag binabati siya nito. Hindi naman bingi ang co-host, halata lang na hindi niya feel si sikat na aktor.

Mabuti na lang at mabait ang sikat na aktor dahil kahit sine-shade at dine-dedma siya ng ilang co-host ng show, hindi siya nagre-react at hindi nagsasalita. Tuloy lang siya sa pagre-report sa show na parang everything is normal. Ang fans nito ang nanggagalaiti at gustong gumanti sa kanyang mga co-host na parang galit sa sikat na aktor.

Bela sunud-sunod ang pelikula

Sunud-sunod ang pelikula ni Bela Padilla dahil bukod sa movie niya kay Irene Villamor na working title pa lang yata ang Happy Project, nag-reading na rin siya nang gagawing movie na ang title ay Mañanita.

Sa Mañanita, hindi malinaw kung sino kina Lav Diaz at Paul Soriano ang director. Puwede rin kasing si Lav ang director at si Paul ang producer under his Ten17 Productions. Puwede rin si Paul ang director at si Lav ang scripwriter. Ang importante, Bela will be working with the two best directors in the country.

Samantala, mabilis ding natigil ang isyu kina Bela at Piolo Pascual dahil lang nagkasama sila noong Valentine’s Day at sa video, makikitang sweet ang dalawa at tila may masinsinang pinag-uusapan.

Ang sabi naman ni direk Irene Villamor na kasama nila last Valentine’s Day sa rest house ni Piolo sa Batangas, magkaibigan lang sina Bela at Piolo at naimbitahan lang si Bela ng aktor na makasama sa grupo nito noong Araw ng mga Puso.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with