^

Pang Movies

Christian bibigyan ng second chance

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Christian bibigyan ng second chance

Balak ng King of Talk na si Boy Abunda na maibalik ang bago niyang alaga na si Christian Bables sa isang posisyon na dati nitong kinalalagyan bago niya tinanggihan ang pagganap bilang Barbs sa Born Beautiful.

 

Gusto niyang maibalik si Christian sa isang proyekto na sisira sa hanggang ngayon ay gap between Christian and Idea First management’s big bosses Jun Lana at Perci Intalan. Mukha namang lumambot na ang puso ng magka-partner dahil meron na silang inihahandang project para sa alaga ni Boy. Bagaman at hindi naman natitigil ang exposure nito dahil kasama ito sa serye ng Halik at patok ang trio nila nina Hero Angeles at Chai Fonacier. They make up an incredible support group para kay Yen Santos.

Kris hinihintay pa ring mag-sorry si Phillip

Biglang nagkaroon ng lamat ang tahimik na relasyon nina Kris Aquino at Phillip Salvador dahil lang sa biro ni Bong Go at isinangkot pa ang pangalan ni Kris.

Galit si Kris dahil inaasahan niya na dapat unang nagtanggol sa kanya ay si Ipe pero wala itong ginawa. Tinanggap na ni Kris ang sorry ng senatoriable pero hanggang ngayon ay hinihintay niya ang pag-reach out ni Ipe.

ABS-CBN ayaw sa mga singer na galing sa GMA

Obvious naman ang rason ng ABS-CBN sa pag-ayaw na huwag tumanggap ng contes­tants para sa bago nilang singing contest mula sa GMA-7, lalo na yung mga nagwagi bilang finalists o winners ng The Clash. Kailangan ng Kapamilya ng mga fresh faces and talents. Huwag bigyan ng kulay ang pamamaraan ng pagpili nila ng contes­tants.

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with