^

Pang Movies

Janine nagagalingan kay Tom!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Janine nagagalingan kay Tom!

Answered prayer for Janine Gutierrez ang bagong project na ini-offer sa kanya ng GMA Network ang Dragon Lady na isang fantasy drama sa Afternoon Prime ng GMA.

 

“Dream role ko po na makaganap ng role ng isang strong, independent woman, na tulad ng role ni Celestina Sanchez,” say ni Janine sa media conference. “Si Celestina ay isinilang na may dragon-like features, may mystical power siya na magpapakita  ng kanyang pagiging fierce lady boss, the Dragon Lady that she is destined to be. Bumubuga rin po ako ng apoy dito.”

For her role, kinakailangang maglagay si Janine ng prosthetics sa loob ng tatlong oras at humanga siya sa nagla­lagay nito dahil ang husay raw. Isa pang reason kung bakit tinanggap ni Janine ang offer ay dahil kay Tom Rodriguez.

“Although nagkasama na kami ni Tom sa isang episode ng Magpakailanman, pero ito talaga ang big project namin together, siya po ang isa sa Kapuso leading men na pangarap kong makatambal. Napanood ko na ang ilang projects na ginawa niya at napakahusay niyang actor. Sa ngayon ay hindi pa kami nagkakasama nang madalas ni Tom sa taping dahil  sa aming pilot week, simula sa Monday, March 4, mapapanood muna ang mga gumanap na mga parents namin sa story.”

Ang tinutukoy ni Janine ay sina Bea Binene, bilang ang young Almira, ang ina niya, played by Diana Zubiri, Derrick Monasterio as young Charles, biological father ni Celestina, played by DJ Durano at Kristoffer Martin as young Bryan, played by James Blanco), ang magiging father figure ni Celestina. Kasama rin nila sina Isabelle de Leon at Denise Barbacena. 

Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, at mapapanood ito from Mondays to Saturdays, simula sa March 4, ang kanilang world premiere after Eat Bulaga.

EA at Shaira ayaw magsama sa trabaho

Nang malaman ng entertainment press na nasa ALV Management na si Edgar Allan Guzman, biniro siya na may chance na palang magkasama sila ni Shaira Diaz sa isang project dahil naroon na rin si Shaira. Napangiti si EA na usapan na raw nila ni Arnold L. Vegafria na hindi sila pagsasamahin sa isang project. Wala na raw sila talaga ni Shaira pero friends pa rin sila. Like ngayon, ang first project niya sa GMA sa bago niyang contract ay ang Dragon Lady si Shaira naman ay may project ding ginagawa sa GMA.

From his former manager, si Noel Ferrer, nagpaalam daw siyang lilipat ng management, sa ALV Management nga. “Nag-set po ako ng meeting kay Sir Noel at nagpaalam ako sa kanya,” sabi ni EA. “Alam ko po naman na naintindihan ako ni Sir Noel. Nagkaroon po kasi ako ng realization, na hindi na ako bumabata, I’m already 29 at kailangan ko namang isipin ang sarili ko. Kaya natuwa po ako nang bigyan agad ako ng bagong project na ibang-iba sa mga nagawa ko na. For my role, mag-aaral po akong magsalita ng Mandarin, may coach ako na nagga-guide sa akin.”

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with