^

Pang Movies

Guwardiya ni Pia Wurtzbach kinumpara kay Catriona Gray!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Guwardiya ni Pia Wurtzbach kinumpara kay Catriona Gray!

Maganda ang mga comment comparing our two Miss Universe, sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Sinasabi na over the top ang security noon kay Pia Wurtzbach at mas maluwag ang security kay Catriona.

Ang mahigpit na security naman, wala sa jurisdiction nina Pia at Catriona, nasa organizer ‘yon kaya hindi natin dapat i-blame sa kanila.

Mas mabait daw sa tao si Catriona kesa kay Pia na both queens, both Miss Universe.

Kilala na ngayon ang Pilipinas pagdating sa beauty pa­geants at sure na tuwing may mga beauty contest, binabantayan na ng ibang countries ang candidates natin dahil sure na may laban agad.

Bongga ang nagawa ng halos magkasunod at magkadikit na panalo nina Pia at Catriona dahil nailagay nila sa mapa ang bayan natin pagda­ting sa beauty at intelligence.

Bukod sa Miss Universe, nanalo rin sa very elusive Miss World si Megan Young noong 2013.

Basta happy tayo, proud, sa dalawa nating Miss Universe. Bongga ‘di ba? May Champ Manny Pacquiao sa sports, may Pia at Catriona sa beauty contest. Proud Filipino, proud Philippines ang da­ting natin.

Lovelife ni Megan puwedeng tularan ni Catriona

Dahil nabanggit ko na si Megan Young, belated happy birthday sa kanya.

Noong February 27 ang 29th birthday ni Megan na siguradong hindi nakaligtaan na batiin ng kanyang boyfriend na si Mikael Daez.

Matagal na rin ang relasyon nina Megan at Mikael. Bago pa nag-win na Miss World si Megan, boyfriend na niya si Mikael pero super-deny ito.

Nang matapos ang reign ni Megan, saka nila inamin ni Mikael ang kanilang love affair.

Sana, ginaya nina Catriona Gray at Clint Bondad ang relasyon nina Megan at Mikael. Kahit nana­lo na Miss World si Megan, hindi sila naghiwalay dahil sandali lang naman ang isang taon na panunungkulan niya bilang Miss World.

Ipinakita at pinatunayan ni Megan na puwedeng-puwede na pagsabayin ang kanyang lovelife at ang mga responsibilidad niya bilang international beauty queen.

Long distance relationship ang nangyari kina Mikael at Megan pero hindi ‘yon naging reason para mag-cool off sila.

Kung nagawa nina Megan at Mikael na huwag maapektuhan ng korona ang kanilang relasyon, magagawa rin ito nina Catriona at Clint na starring na sa upcoming tele­serye ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

May mga haka-haka naman na eklay lang ang break up nina Catriona at Clint para hindi na intrigahin ang relasyon nila.

Sana nga, charot lang ang paghihiwalay nila dahil sayang ang pinagsamahan nila noong mga panahon na hindi pa Miss Universe ang dalaga.

Kris pinatawad na si Bong 

Tinanggap ni Kris Aquino ang apology ni Secretary Bong Go dahil ginawa nito na biro sa isang kampanya ang relasyon nila noon ni Phillip Salvador.

‘Yun nga lang, si Ipe ang napagbuntunan ng mga emote ni Kris pero knowing Ipe, hindi ito sasagot sa mga sinabi laban sa kanya ng former live in partner niya at ina ng kanilang anak na si Joshua. Palaging sinasabi noon ni Ipe na wala siyang puwedeng sabihin tungkol kay Kris dahil ito ang ina ng anak niya.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with