^

Pang Movies

Pero Tagalog films hirap kumita K Pop stars / K Actors inuubos ang datung ng Pinoy Fans

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero Tagalog films hirap kumita K Pop stars / K Actors inuubos ang datung ng Pinoy Fans

Super agree ako sa observation ni Nay Lolit Solis na parang gustong limasin ng mga Korean star ang datung ng kanilang Pinoy fans.

 

Hahaha. Eh kasi nga naman sunud-sunod ang pagdating nila sa bansa.

Ilang Korean actors na ang sunud-sunod na nag-meet and greet sa Manila. Bukod pa ito sa mga K pop concert na halos every month din ay nandito sa atin.

At hindi mumurahin ang tickets ha. Halos P8,000 ang pinaka-expensive sa meet and greet at more than P10,000 sa K pop concert.

Eh ang daming adik na Pinoy sa mga Korean actor na nagkukuwento lang at kumakanta ng one or two songs sa Meet and Greet.

Ang K pop concert naman hindi maintindihan ng mga nanonood pero enjoy na enjoy ang maraming Pinoy.

Habang ang pelikulang mga Tagalog, hirap na ang mga producer na hikayatin ang mga kababayan nating pumunta sa mga sinehan, magbayad at mag-enjoy sa Tagalog films.

Ito ang pino-problema ng maraming producer ngayon, kung paano babalik sa dating sigla ang pagtanggap ng moviegoers sa mga pelikulang gawang atin.

So far, isang movie pa lang ang masasabing totoong box office for 2019, ang Alone / Together starring Liza Soberano and Enrique Gil, the rest semplang sa takilya.

Pero pagdating sa mga K pop / stars, gumagastos ng mahal ang fans.

Sana nga ay mabilis na ma-realize ng mga gumagawa ng Tagalog films kung ano ba talaga ang gusto ng mga manonood na nagbabayad para naman magbago ang interes ng fans.

‘Wag mag-assume na magaganda ang movie nila at kulang lang sa suporta. Bakit hindi rin nila pag-aralang mabuti ang kabuuan ng movie at baka yun ang problema.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with