^

Pang Movies

Gretchen at Claudine ibang klase ang closeness pagkatapos magbati

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gretchen at Claudine ibang klase ang closeness pagkatapos magbati
Claudine

Mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging malapit muli sa isa’t isa ng dating estranged sisters na sina Gretchen at Claudine Barretto matapos makita ang dalawa na nag-dinner kamakailan lang sa Solaire Resort and Casino na sinundan ng pagkaka-hospital ni Claudine sa St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City in Taguig City kung saan hindi nagpabaya si Gretchen sa kanyang bunsong kapatid.

Umabot din na mahigit limang taon ang personal feud ng magkapatid na Gretchen at Claudine na nagsimula nung 2013 kung saan nadamay ang kanilang parents na sina Inday at Miguel Barretto at iba pa nilang mga kapatid.

Ngayong winakasan na nina Gretchen at Claudine ang kanilang away, inaasahan din ang pagiging okey ni Greta sa ibang miyembro ng kanilang pamilya.

Habang okey na ang magkapatid na Gretchen at Claudine, mukhang tuluy-tuloy pa rin ang pagsuporta ng longtime partner ni Tonyboy Cojuangco sa kaaway ni Kris Aquino, ang kanyang dating project manager at managing director ng kanyang itinayong Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis na sinampahan ng dating Queen of All Media ng 44 counts ng qualified thefts in seven different cities in Metro Manila including Makati na unang nagbasura ng complaint ng host-actress, celebrity endorser at entrepreneur.

James at Nadine, nag-aasahan nasa buhay

Very confident ang Viva group of companies big boss na si Boss Vic del Rosario na susuportahan ng mga fans ng JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre ang first solo movie ni Nadine na hindi si James ang katambal dahil may solo movie ring gagawin si James na hindi rin kasama si Nadine.

“They also have to grow bilang individual artists at hindi dapat maging dependent lamang sa kanilang loveteam,” paliwanag ni Boss Vic na siya ring sumugal sa tambalan nina James at Nadine in 2014 sa pamamagitan ng Diary ng Panget.

Si Nadine ang pangunahing bituin ng kakaibang romance-drama movie na Ulan kung saan niya kapareha for the very first time si Carlo Aquino kasama sina Marco Gumabao at AJ Muhlach mula sa panulat at direksiyon ni Direk Irene Villamor, ang director ng successful movies na Camp Sawi, Sid & Aya (Not A Love Story) at Meet Me In St. Gallen na pinagtambalan nila Bela Padilla at Carlo Aquino. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa Marso 13.

Si Carlo naman ay kagagaling lamang sa dalawang magkasunod na box office hits, ang Meet Me in St. Gallen at Exes Baggage na pinagtambalan naman nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

vuukle comment

CLAUDINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with