^

Pang Movies

Singer-actress walang kaibigan sa showbiz!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Napagalitan ng bossing ng network ang isang singer-actress (SA) dahil sa mga isinagot sa isang interview. Natanong si SA kung sino ang friends niya sa showbiz? Buong ningning ang sagot nito na wala siyang friends habang katabi ang aktres na kasama niya sa kanyang show.

Hindi nagustuhan ang sagot ni SA, nakaka-offend sa kanyang katabi dahil hindi pala siya kinu-consider nitong kaibigan. Hindi naman kung sino ang best friends niya ang itinanong at puwede niyang sagutin ng wala dahil baka nga totoong wala siyang best friends.

Pero kung friends lang ang itinanong, siguro naman may friends siya sa mga nakasama na niya sa mga ginagawang shows sa network. Mabuti na lang at hindi na-offend ang katabing aktres na kasama niya ngayon sa show dahil nakaka-insulto nga namang malaman at marinig kay SA na hindi pala kaibigan ang turing sa kanya.

Naalala pa namin, kapatid ang turing kay SA ng isa niyang kasama sa show, ano kaya ang maramdaman nito ‘pag nabasa ang interview kay SA at sinabing wala siyang kaibigan sa showbiz.

Direk Irene paninindigan ang Box-Office Hit title!

Si Irene Villamor ang director ng Viva Films movie na Ulan na showing sa March 13, napi-pressure si direk Irene sa sinasabing kikita ang pelikula niya gaya ng mga nauna niyang pelikula. Dahil ito sa considered siyang Box-Office Hit director.

Ayaw man ni direk Irene ng title, wala siyang choice kung ito ang paniwala ng mga nasa industry at may pruweba naman. Dito sa U­lan, gusto ni direk Irene na tanggapin ng moviegoers ang pelikula na ang concept at magic realism. Sa nababasa naman niyang feedback, nagugustuhan ng netizens ang pelikula.

Babanggitin lang namin na ang ganda nang pagkakakanta ni Janine Teñoso ng theme song ng Ulan na Ulan din ang title at original ng Rivermaya. Sa ganda ng version, nakikanta sa kanya sina direk Irene, Nadine Lustre, Marco Gumabao at Carlo Aquino habang kumakanta si Janine sa presscon.

Natanong din si Irene sa tsika kina Piolo Pascual at Bela Padilla dahil kasama siya sa grupo ni Piolo na nag-spent ng Valentine’s Day sa resthouse ni Piolo sa Batangas. Pero sabi ni direk Irene, magkaibigan lang ang dalawa at walang isyu sa kanila.

Pagkikita nina Benjamin at Julie Anne, binabantayan

Kasama pala si Benjamin Alves sa cast ng epic serye ng GMA-7 na Sahaya, nakita namin ang picture niya sa pictorial na lumabas. Sa suot ni Benjamin, Badjao rin ang role niya. Sa March na ang airing ng epic serye sa direction ni Zig Dulay.

Inaabangan na ang pagpo-promote ng cast ng Sahaya sa Sunday Pinasaya at Studio 7 na parehong mainstay si Julie Anne San Jose. Magkita kaya ang mag-ex? Magbatian kaya sila o mag-usap?

Ito ay kung isasama si Benjamin sa cast na magpo-promote sa dalawang shows dahil puwede namang mag-beg off siya at ‘wag na lang pumunta. Puwede ring si Julie ang mag-absent para hindi na lang sila magkita.

vuukle comment

SINGER-ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with