^

Pang Movies

Carlo may dating kahit iba ang katambal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Carlo may dating kahit iba ang katambal
Carlo

Kung iisipin ninyo, nagsimula iyang si Carlo Aquino bilang isang child actor. Kasa-kasama pa siya noon nina John Prats at Stefano Mori at sumubok na bumuo ng isang singing group. Sa tatlo, masasabi ngang si Carlo ang suwer­te. Nakasama kasi siya sa isang pelikula ni Congresswoman Vilma Santos, at pati ang kanyang dialogue sa pelikula ay tumatak sa isipan ng audience.

Siguro nga masasabing iyon ang dahilan kung bakit mas mabilis na umangat ang kanyang acting career, at kung bakit hanggang ngayon ay sikat pa rin siya. Marami siyang nagawang pelikula na siya na ang bida na kumita naman. Ngayon siya na naman ang leading man ni Nadine Lustre doon sa pelikula nilang Ulan.

Isang malaking sugal iyang tambalan nila ni Nadine. Una, iyan ang unang pelikula ni Nadine pagkatapos ng mahabang panahon na hindi niya kasama ang kanyang ka-loveteam na si James Reid. Hindi naman maikakaila na bago naitambal kay James, hindi naman ganoon kasikat si Nadine. Pero hindi naman maaaring habang panahon sila ni James ang magkasama, kaya nga sinisimulan na nila ang eksperimento ngayon. Kailangan nila ang isang leading man, na bukod nga sa mahusay umarte ay may kakayahan namang magdala ng isang leading lady na hindi identified bilang ka-love team niya, at sino pa nga ba iyon kung hindi si Carlo Aquino.

Bilang isang actor, marami na ring napatunayan si Carlo. Napakarami na rin niyang natanggap na acting awards. Bukod doon nakagawa na nga siya ng marami ring hit. Higit sa lahat, kinikilala siya ng audience bilang isang actor. Hindi lang siya matinee idol. Nalampasan na niya iyon. Hindi na rin siya masasabing teenager pa. Pero palagay namin magpapatuloy pa iyang magandang takbo ng career niyang si Carlo, kasi magaling naman siya talaga.

Indie actor na si Kristofer King inatake sa puso, patay!

Parang napakabilis ng takbo ng mga pangyayari. Nabalitang itinakbo ang bold actor na si Kristofer King sa Adventist Medical Center sa Pasay matapos diumano ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Bukod sa atakeng iyon, nalaman din na siya ay may pneumonia, at diabetes. Talagang matindi ang ganyang sitwasyon. Naranasan namin iyan nang apat na sunud-sunod.

Pero hindi na iyon nakayanan ng katawan ni Kristofer King, kaya mga alas 8:45 ng gabi, idineklarang siya nga ay binawian na ng buhay. Wala pang ibang detalye, maliban sa panawagan ng kanyang kapatid sa mga kakilala at kaibigan na humihingi ng tulong. Tinawagan na rin daw nila si Coco Martin, na mukhang siyang tinatawagan ngayon ng halos lahat ng mga artistang nagigipit.

Malungkot isipin na mukhang may problema pa sila sa pananalapi. Kung sa bagay understood iyon dahil magkano lang ba naman ang kita ng mga artista sa indie? Nakikiramay kami sa mga naulila niya.                                                   

Pakikipagrelasyon sa bading, malaking insulto sa mga babae

Ano nga kaya ang gagawin mo Tita Salve, kung halimbawa magkaroon ka ng isang boyfriend, tapos matutuklasan mo na lang na may karelasyon din siyang bading? Malamang isumpa mo.

Malaking issue, o sabihin nating insulto sa girlfriends na malamang ganoon nga ang boyfriend nila. Una kasi, mukhang nagkamali sila ng pagpili. Ikalawa, mag-iisip din sila bakit nakipagrelasyon pa sa ganoon. Pero iyan ang natuklasan ng isang female star, kaya hindi rin namin siya masisi kung parang diring-diri siya sa kanyang “ex”.

May mga nagsasabing sayang ang “ex”. Pogi pa naman ganoon naman pala.

 

vuukle comment

CARLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with