^

Pang Movies

‘BABIES4SALE.PH’ diniskubre ni Atom

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa madidilim na sulok ng social networking sites, may patago pero garapa­lang nagaganap na bentahan. Hindi ng beau­ty products, rubber shoes, damit o cell phone—kundi bentahan ng mga sanggol!

 

Ngayong Linggo (February 24) sa The Atom Araullo Specials, iimbestigahan ni Atom ang ­ilang nag­pa­pakilalang Adoption Pages sa Facebook. Dito niya makikilala ang 20-anyos na si Christine (hin­di nito tunay na pangalan), isang B-Mom o Birth Mom, tawag sa naghahanap ng buyer ng kanyang baby. Ayon kay Christine, handa siyang “ipaampon” ang kanyang 2-month old na supling sa halagang P35,000. Iniwan na raw kasi siya ng ama nito at wala siyang pambuhay sa kanilang anak.

Sa gitna nang pagpo-produce ng nasabing special report na ito, natiktikan na rin pala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang online selling of babies. At sa isang mall, na-entrap ng mga awtoridad ang isang grupo, na kinabibilangan ng isang ina at ahente o middleman, na ibine­benta ang isang 11 day-old na sanggol sa halagang P40,000.

Dahil hindi dumaan sa legal na proseso at walang mga dokumento, napakadelikado ng kalakalang ito ayon sa NBI. Walang kasiguruhan kung saan talaga nanggaling ang mga sanggol. Wala ring katiyakan kung babagsak ba sila sa mabubuting ka­may. Lalo pa’t may ilang sanggol, nakaka­alarmang kinakasangkapan na rin sa child pornography.

Samahan si Atom na pasukin ang ma­di­lim na mundo ng bentahan ng mga sang­gol sa social media at maging sa mga ba­ra-barangay. Panuorin ang “BABIES4SALE.PH” sa The Atom Araullo Specials ngayong Linggo, 4:30 p.m. sa GMA 7.

 

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with