^

Pang Movies

Mata ni Nora wala pa ring kupas

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Wala pa ring kupas ang Superstar na si Nora Aunor. Hindi makalimutan ng home viewers yung eksena nila ni Cherie Gil sa serye ng GMA-7 na Onanay kung saan nagsampalan sila after magtarayan. Grabe! Walang kupas, mata sa mata sila ni Cherie. Kita mo si Nora, hindi nagpapa-cute bago umarte sa harap ng kamera. Nakupo! Ang Noranians noon at ngayon lumulundag sa tuwa sa mga eksenang sampalan ni ate Guy.

 

Meron pang two weeks bago magbabu sa ere ang nasabing serye. Lahat naman ng cast ay K na K ang mga akting. Lalo na ang lead role na si Jo Berry, hasang hasa na sa pag-arte.

Janella impressive ang educational background

Nakakagulat pala ang educational attainment ni San Juan Vice Mayor Janella Ejercito, na running for Mayor. Iiwanan na ang nasabing posisyon ng kasalukuyang alkalde na si Guia Gomez.

Si Mayor Guia ay ina ni Sen. JV Ejercito.

Tapos si VM Janella ng Political Science sa Dela Salle University at sa Saint Pedro Poveda College naman ang secondary schooling niya. Puwede na rin siyang maging lawyer. Wow! Galing ‘di ba. Proud na proud naman si Jinggoy Estrada na muling makabalik sa senado sa May 2019, ang ama ni Janella at ang ina na si Precy Vitug.

Tulad ng ama at ng lolo niyang si Joseph Ejercito Estrada, gusto ni Janella na makapaglingkod sa mga kababayan.

Lito inI-enjoy muna ang pagsasaka

Pinasyalan ko ang malawak na farm ni Pinu­no Lito Lapid sa Porac, Pampanga. Sobrang lawak nito, nasa ibaba ng nakapaligid na bundok ang mga tanim na palay, gulay, mga fruit trees, at lawa (fish ponds) at ang the best ay ang herbal gar­­den. Naku po! lahat na yata ng herbal plants ay naka­tanim at memorable sa akin ay ang gamot na Ser­pentina na gamot sa Diabetes, sakit sa tiyan, at iba pa.

Kita mo ang ayos ni Lito, nakamahabang puruntong, long sleeves na sira, nakasuot ng malapad na sumbrerong balanggot, may dungis sa mukha, pero pogi!

Out na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil rule ‘yan sa mga artista na kakandidato sa eleksyon. Sa Mayo pa naman ang eleksyon kung kaya nagpapaka-enjoy muna sa pagiging magsasaka si Lito same ng kanyang anak eldest son na si Mark Lapid na isa na ring certified politician na tatakbo namang pagka Alkalde ng Porac, Pampanga. Well, goodluck po sa dalawang gwapong mag-ama at sa iba pang mga kandidato para sa 2019 eleksyon.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with