^

Pang Movies

Janine hinihintay kung nag-iba na ang status kay Rayver!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Janine hinihintay kung nag-iba na ang status kay Rayver!

Alam mo, Ateng Salve, sa March 4 na pala ang pilot telecast ng Dragon Lady ni Janine Gutierrez sa Afternoon Prime ng GMA-7.

 

Guess kung anong series ang papalitan ng Dragon Lady?

Well, the answer is Asawa Ko, Karibal Ko na pinagbibidahan ni Rayver Cruz, ang sinasabing boyfriend ni Janine.

At least, mawawala man sa timeslot na ‘yon si Rayver ay si Janine naman ang papalit sa kanya, huh!

Marami nga pala ang nagsasabing parang pang-primetime ang Dragon Lady na si Tom Rodriguez ang leading man ni Janine, kaya noong una, marami talaga ang nag-akalang sa GMA Telebabad ilalagay ‘yon.

Noong una nga, akala pa ay ‘yon ang papalit sa Onanay, pero mali nga.

Sa Thursday na nakatakda ang press launch ng Dragon Lady at kahit nga si Tom ang leading man ni Janine ay siguradong matatanong siya kung may “update” na ba sa “relasyon” nilang dalawa ni Rayver.

The last time kasi na nakausap ng entertainment press si Janine ay nanindigan siyang wala pa talagang label ang closeness nila ni Rayver at hindi pa sila mag-sweethearts.

By Thursday kaya, may nagbago na?

Well…

Anyway, for sure, sa press launch din ng Dragon Lady ay matatanong naman si Tom tungkol sa kanilang dalawa ng girlfriend niyang si Carla Abellana. Ang tsika nga kasi, nagpaplano na raw magpakasal ang dalawa next year.

Magkuwento kaya si Tom tungkol doon?

James hindi strict kay Nadine

Sexy at kita ang cleavage ni Nadine Lustre sa white top na suot niya kahapon sa press launch ng Ulan movie nila ni Carlo Aquino.

Mukhang hindi nga mahigpit si James Reid sa girlfriend dahil kahit hindi sila magkasama kahapon ay nagagawang magsuot ng ganoon ka-sexy ni Nadine.

Sa presscon din ng Ulan ay nilinaw ng direktor na si Irene Villamor na love story ang pelikula kahit may mga eksena na may Tikbalang.

Importante raw sa pelikula ‘yung eksena na nakita ng young Nadine na may mga Tikbalang na ikinakasal.

Hindi raw nakakatakot ang mga eksenang may Tikbalang dahil hindi nga raw horror ang Ulan.

Kasama nga rin pala sa pelikula si Marco Gumabao at nilinaw ng binata na walang problema sa kanya kahit sina Nadine at Carlo lang ang mas madalas na naipo-promote sa Ulan. Masaya na raw si Marco na may new movie siya!

Nagbabalik showbiz na si Jana Victoria natupok ng apoy ang lahat ang mga arI-arian

As I type this item, nasa Culcural Center of the Philippines (CCP) ako at kasalukuyang ipinalalabas ang Lagarista movie na pinagbidahan nina Jana Victoria at Piolo Pascual na unang ipinalabas noong September 13, 2000.

Sinamahan ko kasi si Jana para sa Question & Answer segment pagkatapos i-screen ang Lagarista.

Sabi ni Jana, parating din daw si Piolo na galing pa sa isang commitment.

Na-excite si Jana sa muling pagpapalabas ng Lagarista dahil nag-decide rin siyang magpaka-active uli sa showbiz.

Actually, kapipirma pa lang niya ng management contract sa isang talent manager at magkakaroon daw sila ng announcement tungkol doon kapag nagsimula na siya sa isang bagong series na sasamahan niya.

Noong February 9, 2018 nga pala ay nasunugan si Jana at naubos halos lahat ng mga naipundar niya, pero very thankful ang aktres dahil maraming mga tumulong sa kanya.

Ngayon daw, nakapagpundar na naman siya at may negosyo ring pinagkakaabalahan.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with