^

Pang Movies

Piolo inilantad si Bela!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang daming kinilig sa video na in-upload ni Piolo Pascual sa kanyang You Tube Channel kung saan ay makikitang magkasama sila ni Bela Padilla sa isang out of town trip kasama rin ang iba pang friends including direk Joyce Bernal.

 

May titulong My Valentine ang video so, we assume na noong February 14 sila magkasama.

Sa video ay makikitang overnight ang grupo at nabanggit ni Bela na nasa Batangas daw sila. Makikita rin na nagkakatuwaan sila at bagama’t wala namang sweet moments ang aktres at si Papa P., may isang shot doon na magkatabi silang nakaupo na nakaharap sa dagat at nagkukuwentuhan. Ang romantic ng ambience kaya hindi kami nagtataka kung bakit may mga kinilig base na rin sa nabasa naming reaksyon sa comments section.

Komento ng isang netizen, “Infairness kinilig ako kina kuya PJ and Bela.!!! Pwede...”

May nagtanong naman kung bakit hindi na lang sila nag-double date with MarNigo (Mariz Racal and Inigo Pascual).

May nagre-request naman kay Bb. Joyce na gawan daw ng movie together sina Bela at Piolo.

Hindi namin din alam kung bakit magkasama sina Bela at Piolo noong Valentine’s Day pero base sa video, parang may team building ang grupo since producers nga sina Joyce and Piolo (of Spring Films) at si Bela naman ay scriptwriter din aside from being an actress.

Pero kung magkakamabutihan naman sila, eh wala namang masama dahil pareho naman silang single.

Maraming nadiskubre after ng kasal

Coleen aminadong nagger na misis kay Billy

Mag-iisang taon pa lang na kasal sina Billy Crawford at Coleen Garcia at so far, masa­yang-masaya naman ang aktres sa kanyang buhay may-asawa.

She’s enjoying her life as Mrs. Crawford at sa mga discoveries nila ng ugali ng isa’t isa na hindi nila dating alam noong magkasintahan pa sila.

Sey nga ni Coleen, parang feeling nga raw niya ay nagger wife siya dahil nga lagi niyang sinasabihan ang asawa sa mga pag-iingat sa kung anu-anong bagay, especially sa health nito.

Tulad nga nang nangyari two months ago na na-injure si Billy sa paa dahil sa isang minor accident. Okay na raw naman ngayon ang mister pero ‘yun nga, lagi niyang nina-nag at nire-remind na mag-ingat.

“I nag him a lot. Sabi ko, I’m never gonna become the wife that nags, pero wala, wala pang one year, nag na ako,” natatawang sabi ni Coleen.

“Kasi syempre, pag hindi nakikinig, kailangang mag-nag,” dagdag pa niya.

Pero what’s good naman, sobrang ang laki ng ipinag-mature na ni Billy in the past years at pareho naman daw sila.

Sa discoveries nila, Coleen revealed na naiirita raw siya sa alarm ng asawa sa umaga.

“Snooze kasi siya ng snooze (the alarm), kaya kunyari, kailangan kong magising ng morning, naa-affect na ako kasi, sa kaka-snooze niya, by the time na kailangan kong gumising, ang sakit na ng ulo ko,” natatawang kwento ni Coleen.

Nadiskubre rin niyang sobrang passionate pala ni Billy sa vape na kahit saang sulok daw ng bahay ay may vape.

Mga malilit na bagay lang naman daw ‘yun pero siyempre pag may malaking problema, talagang pinag-uusapan daw nila para hindi na lumaki pa.

Samantala, pagkatapos ng almost one year na nagpahinga si Coleen sa showbiz pagkatapos ikasal, balik-trabaho na ang aktres ngayon. Pumirma siya ng 10 movies for 5 years sa Viva Films at management contract din with Viva Artists Agency.

Na-miss daw niya ang paggawa ng pelikula kaya naman excited na siya sa kanyang mga gagawin sa Viva na pag-uusapan pa raw nila ni Boss Vic del Rosario ang mga detalye.

vuukle comment

BELA PADILLA

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with