^

Pang Movies

Juris mas inuuna ang pamilya kesa sa pagkanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Philstar.com
Juris mas inuuna ang pamilya kesa sa pagkanta
Juris Fernandez

Hindi nagbago ang angelic voice ni Juris Fer-nandez na unang sumikat bilang vocalist ng bandang MYMP. Ilan sa mga kantang kanyang pinasikat ay ang ‘Di Lang Ikaw, Sa Aking Pag-Iisa, at Pawang Sa Puso.

Mapapakinggan si Juris ngayon sa bago nitong kanta na Paano Kung na inilabas ng Star Music.

Simula nang magpakasal si Juris at magkaanak, nag-lie low muna siya sa pagkanta at paglabas sa TV dahil mas tinutukan niya ang kanyang pamilya.

Dalawa na ang anak niya sa mister na si Gavin Lim, sina Geordi at Giddy na babae at lalaki.

Wish ng kanyang fans na sana raw ay makita ulit siyang kumanta sa ASAP Natin ‘To kasama ang ASAP Sessionistas na sina Ice Seguerra, Princess Velasco, Kian Cipriano, Sitti at Richard Poon.

Samantala, bukod sa inilabas niyang bagong kanta, mapapanood at mapapakinggan din si Juris sa concert na Playlist: The Best Of OPM na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, March 1, 2019, 8PM. Idinirek ito ni JP Panizales at ang musical director naman ay si Jay Durias. Makakasama niya sina Joey G., Jinky Vidal, Ice Seguerra, Janine Teñoso, at Meds Marfil.

vuukle comment

JURIS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with