^

Pang Movies

Alden nagbabad sa Blue Lagoon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden nagbabad sa Blue Lagoon

Nagkaroon pala ng chance si Pambansang Bae Alden Richards na lumusong sa Blue Lagoon ng Iceland, isang geothermal pool kung saan puwede kang gumamit ng tatlong types of scrub na ia-apply sa face at buong katawan. 

Alin kaya ang ginamit ni Alden, ang lava scrub, silica mud mask, or ang algae green mask?

Sa post ni Alden, may mga Pinoy siyang nakasabay doon, nanghinayang iyong isa niyang Filipino fan na wala na si Alden nang dumating siya at husband niya sa Blue Lagoon.

Nai-report ni Jessica Soho nang i-cover niya ang pagpunta niya sa Iceland, sa kanyang magazine show, na ang Blue Lagoon ay nalilibot ng snow pero warm ang tubig dahil ang ilalim nito ay mga volcanoes.

Winwyn at Enzo hindi nahirapang magka-koneksiyon

Kaya pala madaling nagkasundo sina Winwyn Marquez at Enzo Pineda nang magsimula pa lamang silang mag-shooting ng first team-up movie nila, ang Time & Again sa Regal Entertainment Inc., ay dahil sabay silang pumasok sa showbiz.

“Way back pa kami magkakilala ni Enzo,” sabi ni Win. “Nang mag-join siya sa Starstruck, ang reality-based artista search in GMA-7, it was also the same time na nag-enter ako sa showbiz. Kaya magkakilala na kami nine years ago pa. At ngayon we’re working together sa Time & Again na first time akong naging bida sa movie.”

Masaya naman si Enzo na nagkasama sila ni Win sa movie.

“Natuwa po ako nang malaman kong ako pala ang napili ni Direk Joey Reyes na makatambal ni Win,” sabi ni Enzo. “It’s a big honor na makatambal ang ating first Reina Filipina Hispanoamericana. Hindi kami nahirapang mag-communicate with each other at naging comfortable agad kami sa isa’t isa.  Sana po makita nila ang chemistry naming dalawa sa mga eksenang ginawa namin.”

Si Win ay si Apple, no boyfriend since birth, hindi siya naniniwala sa pagkakaroon ng boyfriend, until tinamaan siya ni Cupid, nang makilala niya si Ozzi. 

Bukas na, February 20, ang showing ng post Valentine presentation ng Regal Entertainment, Inc. in cinemas nationwide.

Requirements ng mga sasali para sa MMFF 2019, inilabas na

Inihayag na ni MMDA Chairman at Executive Chairman ng 2019 MMFF Danilo Lim, kasabay ng MMFF Appreciation Dinner last Friday, sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City ang requirements para sa mga sasali sa coming 45th MMFF sa December, 2019.

Ang letter of intent ng sasaling producers para sa full length films category ay tatanggapin hanggang 5:00 p.m. sa Abril 1.  Ang pagsusumite naman ng required documents para makasali ay sa Mayo 31, hanggang 5:00 pm.

Sa July 5 naman ihahayag ang apat na official script entries, at sa September 2, tatanggapin na ang finish entries at sa September 20 ang regular submission ng iba pang entries.  Sa October 19 (Martes) ihahayag ang apat na official finished film entries.

 

 

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with