^

Pang Movies

Xian ‘di na rin kasama, Kim babu na sa pagpapa-cute!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Xian �di na rin kasama, Kim babu na sa pagpapa-cute!
Kim

May bagong series na si Kim Chiu sa ABS-CBN na malapit na niyang simulan.

Tiyak na matutuwa ang mga fan ni Kim sa balitang ito.

Medyo mature raw ang role ni Kim sa bago niyang teleserye.

Hindi ko nakita ang pangalan ni Xian Lim sa cast ng teleseryeng ‘yon.

Tuluyan na bang iisnabin ng Kapamilya network ang KimXi love team?

Paano na lang ang mga fan na umaasang magkaka-show pa bilang magkapareha ang real life sweethearts?

Well...

Piolo gumagawa ng military movie

Si Piolo Pascual sa shooting ng isang pelikula ni Direk Brillante Mendoza na nagsu-shooting kahapon sa Tanay, Rizal.

Military movie ‘yon.

Hindi lang nakita ng mga friend ko na nagpunta sa shooting si Piolo dahil nasa tent ang aktor at natutulog. Puyat daw kasi si Piolo at kahit 3:00PM pa kukunan ang kanyang mga eksena ay maaga raw nagpunta ng Tanay si Piolo para huwag ma-traffic at makapagpahinga muna.

Ang iba pang mga artistang nandun ay si Baron Geisler na lumuwas ng Maynila mula sa Cebu kung saan siya based, pati na ang actress/director na si Laurice Guillen.

Pekeng boobsie ni sexy starlet ipinagmalaki sa movie producer

Naaliw ako sa kuwento ng isang kaibigan tungkol sa isang sexy starlet.

Nag-usap daw kasi si sexy starlet at ang isang male movie producer na gustong kumuha sa kanyang serbisyo.

Tanong daw ni male movie producer kay sexy starlet, “Tunay ba ang boobs mo?”

“Hindi po, pero ilang beses ko na rin pong ipinagawa ito!”

“Talaga? Patingin nga!” sabi raw ni male movie producer at ipinakita naman ni sexy starlet ang kanyang “bumpers”.

Mukhang mahilig talaga si male movie producer sa boobs dahil kapag may nakikilala siya na gustong mag-artista, tinatanong niya kaagad kung tunay ba ang boobs.

Well...

John at Carmina may chemistry

Napanood ko ang pilot telecast ng Kara Mia, ang bagong primetime teleserye ng GMA-7 at bagay sina John Estrada at Carmina Villarroel.

Nakakakilig ang mga eksena nila sa flashback scenes ng Kara Mia.

Nagpunta pa ng Bacolod City sina John at Carmina, pati ang ibang cast ng Kara Mia, para sa mga eksena ng pilot week ng nasabing fantaserye.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with