^

Pang Movies

Lovelife ni Bela biglang naungkat!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lovelife ni Bela biglang naungkat!
Bela

Dahil ipinost ni Bela Padilla sa kanyang Instagram account ang engagement ng kaibigang si Dani Barretto, nabalingan siya ng netizens at natanong tuloy sa kanyang lovelife na hanggang ngayon ay zero pa rin.

Ipinost ni Bela ang kamay ni Dani na may suot na engagement ring at sa caption ay inilagay niyang “my bestfriend’s getting married.”

Ang aktres ang tumulong para ma-set-up ng boyfriend ni Dani na si Xavi Panlilio ang surprise proposal na naganap last Sunday.

Ipinost ni Bela sa kanyang Instagram stories ang mga kaganapan ng proposal at mababakas mo naman sa aktres ang happiness niya para sa dalawang kaibigan.

Parte rin si Bela sa love story nina Dani at Xavi dahil nagkakilala ang dalawa sa birthday party niya sa La Union noong 2017.

Si Dani ay anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi.

Jennylyn at Dennis may pagsasamahang pelikula

Low key lang talaga ang relasyon nina Jennylyn Mercado at Denis Trillo. Tulad nga nitong nakaraang Valentine’s Day, habang ang lahat ng celebrity couples ay kanya-kanyang post sa Instagram ng kanilang greetings sa isa’t isa at Valentine date, ang DenJen ay tahimik lang at wala ni kahit isang post ng kanilang ganap.

We learned na nag-celebrate naman ang dalawa ng V-Day at hindi nga lang ipinost. Noon pa naman ay likas na kina Dennis at Jen ang hindi ma-post sa social media lalo na pagdating sa kanilang personal na buhay.

Samantala, sa ngayon ay busy na si Jen sa taping ng kanyang bagong teleserye sa GMA-7, ang Luv U 2, kung saan, for the first time ay makakatambal niya si Gabby Concepcion.

Busy rin ang aktres sa training at preparations para sa pagsali niya sa Mt. Fuji International Marathon na gaganapin sa November.

May dalawa ring pelikulang naka-line-up sa Ultimate Star ngayong taon. Ang isa ay ang horror film na Keepers under Reality Films na intended naman for Metro Manila Film Festival sa Decemebr.

And guess what, si Dennis na ang kanyang leading man sa Keepers... kaya ito ang kanilang balik-tambalan sa big screen pagkatapos ng mahabang panahon.

Ang isa pang pelikula ay under Star Cinema naman titled Heart of Mine kung saan ay sina Richard Gutierrez at Jameson Blake naman ang kanyang kapareha.

vuukle comment

BELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with