^

Pang Movies

Angel nag-walk out sa taping, dinidiskubre pa ang dahilan

Pang-masa

Napag-usapan namin nung ka­makalawa ng gabi sa birthday party ng dating Sen. Jinggoy Estrada ang pag-walk out daw ni Angel Locsin sa taping ng The Gene­ral’s Daughter nung nakaraang Biyernes, February 15 ng hapon.

May mga ilan ka­ming napagtanungan, wala silang masabi kung ano ang dahilan ng pag-walk out. Pero nag-walk out nga raw ito.

Ang sabi ng aming source, tinapos lang daw ni Angel ang eksena niya kay JC de Vera, saka nag-empake na raw.

May dialogue daw itong tipong, “I’m sorry I cannot do this,” sabay alis.

Hindi raw ito nagpapigil, talagang tuluy-tuloy daw siyang umalis.

Hindi naman daw pinack-up ang taping, dahil may mga iba pang eksena na hindi siya kasali.

Pero wala raw talaga silang alam kung bakit basta na lang umalis si Angel.

Ang duda ng iba, baka may problema raw ito sa direktor nila na si direk Manny Palo, pero hindi raw totoo iyun sabi ng ilang napagtanungan namin.

Noon pa man ay may isyu kasi tungkol sa attitude raw ni direk Manny na nagmumura at nagsisigaw daw sa set, pero pinabulaanan naman ito ng ilang artistang napagtanungan namin.

Kinulit nga namin si Tirso Cruz III na dumalo sa birthday party ni Sen. Jinggoy, wala raw siyang masabi dahil wala na si Angel pagdating niya.

“Late call kasi ako. Pagdating ko dun, nakaalis na siya. Hindi ko talaga alam, bakit,” sabi ni Tirso.

Nilinaw din namin kay Tirso kung totoo bang may problema sa set kay direk Manny Palo. Hindi na raw ma-take ang attitude nito?

“Ay hindi, Okay kami kay direk Manny. Wala kaming problema sa kanya.

“Okay sa set, walang problema,” mabilis na sagot sa amin ni Tirso.

Abangan na lang natin kung magbibigay ng pahayag si Angel kaugnay sa isyung walkout.

O gimik lang? Catriona at Clint matagal na raw hiwalay!

May ilang tumaas ang kilay nang mag-guest si Clint Bondad sa Eat Bulaga nung nakaraang Sabado, February 16.

Naglaro si Clint sa isang segment ng EB na BOOM na ang konsepto ng mga contestants ay boyfriend o asawa ng mga beauty queen.

Kasama niya sina Marco Alcaraz na asawa ni Ms. International Lara Quigaman, at si Marc Nash na boyfriend ng isa ring Ms. International na si Bea Rose Santiago.

Si Clint ay ipinakilalang boyfriend ni Catriona Gray. Hindi ex-boyfriend ng reigning Ms. Universe.

May ilan kasing kaibigang nag-text sa akin na matagal nang break sina Clint at Catriona.

Bago pa raw ang Ms. Universe ay break na raw sila, kaya nga nung nanood daw ito ng Ms. Universe sa Thailand, hindi na raw ito itinabi sa kinauupuan ng mga magulang ni Catriona.

Kaya nga nung kinumusta ni Bossing Vic Sotto si Catriona kay Clint, tila wala siyang ideyang dumating na ng bansa ang Ms. Universe 2018.

Ewan ko lang kung sasagutin ni Catriona ang isyu ng lovelife niya ngayong nandito na rin naman siya.

Sa Huwebes, February 21 ay magkakaroon ng Grand Homecoming Parade si Catriona na magsisimula ng alas-dos ng hapon sa may Pasay, Manila at Makati.

Sa Sabado naman February 23 ng alas-kuwatro ng hapon ay sa Araneta Center naman siya magpaparada.  (GORGY RULA)

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with