^

Pang Movies

Kapamilya aktres hindi kAyang tanggihan ang alok ng GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May project na gagawin sa GMA Network ang isang aktres na identified sa ABS-CBN, sikreto muna kung anong project ito, pero ang tsika, nag-meeting na ang mga taong involved sa project. Isa sa mga araw na ito, sisimulan na ang project, kaya abangan na lang kung sino ang aktres na ito.

Bale, babalik lang sa GMA Network ang aktres dahil minsan na rin siyang nagkaroon ng project sa GMA-7, bago kunin at lumipat sa ABS-CBN. Sa Kapamilya channel na regular na napapanood ang aktres, hindi lang matanggihan ang offer sa kanya ng Kapuso network, kaya balik-Kapuso muna siya.

Isang magaling na actor comedian ang makakasama ng aktres at kundi kami nagkakamali, first project nila ito together, kaya kaabang-abang.

Ang hihintayin na lang ay kung drama o comedy ang gagawin ng aktres sa Kapuso network.

Barbie sumabay sa work out ni Jak

Binuking ni Jak Roberto na kinailangang mag-workout ni Barbie Forteza a few days bago ang presscon ng Kara Mia para magkasya ang pink gown na suot sa presscon. Sabi ni Jak, sumabay sa kanya sa gym ang girlfriend at tagumpay ang pagwu-workout nito dahil kasyang-kasya sa kanya ang gown.

Nakwento naman ni Barbie ang takot na na­ramdaman sa eksenang nasa overpass ng Que­zon Avenue sila ni Mika dela Cruz. Si Barbie, nasa ibabaw ng scaffolding at si Mika ang nakabitin sa railings ng overpass, pero dahil may fear of height si Barbie, siya ang umiyak nang umiyak.

Samantalang si Mika, na ilang feet nakabitin na nilagyan ng harness ang katawan, chill lang na tumitingin sa baba at tinitingnan pa ang mga sasakyan at tao sa baba.

Kwento ni Mika, hindi siya natakot dahil may harness ang katawan niya at inalagaan siya ng husto ng production at ni direk Dominic Zapata.

Rayver bumawi sa Elise ni Janine

Nasa IG story ni Janine Gutierrez ang pa-block screening ni Rayver Cruz sa Elise bilang suporta sa aktres, sa friend niyang si Enchong Dee, kay director Joel Ferrer at sa Regal Entertainment na rin. Nakaburol ang mother ni Rayver sa premiere night at regular showing ng movie, kaya ngayon lang niya napanood ang movie.

Pinuri ng netizens si Rayver sa suporta kay Janine at nabanggit din na noong burol ng mom nina Rayver at Rodjun, isa si Lotlot de Leon sa tumulong sa pag-aasikaso sa mga bisita. Ang wish ng netizens, magkatuluyan sina Rayver at Janine.

Samantala, ipalalabas ang Elise sa Cinema 76 sa may Anonas, para ito sa hindi nakapanood sa regular showing at gustong humabol mapanood ang graded A movie ng CEB.  

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with