^

Pang Movies

‘Walang bastusan’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Walang bastusan�

Ayokong maniwala na sinabi raw ng isang government official na huwag nang palakihin ang isyu tungkol sa pagsasaboy ng taho ng isang Chinese girl sa pulis ng Mandaluyong City.

Sabi nga, you are how you treat yourself. Kung pumapayag ka na magpaapi at bastusin, ikaw ang may kasalanan.

Naglilingkod sa bayan ang binuhusan ng taho. He represents no less than our country, tapos huwag palakihin ang isyu ng pagsaboy sa kanya ng taho ng isang dayuhan?

Ano ang tingin niya sa mga Pilipino, ganoon kaliit? Sa bayan ba nila, puwedeng buhusan ang mga pulis o isang representative ng kanilang bansa?

Crazy poor Asians na nga tayo, ngayon crazy api poor Asians pa? Wow!

Tayo mismo, maliit ang tingin sa sarili natin kaya hindi dapat palakihin ang isyu?

Wala na silang respeto sa atin dahil sa isang theme park, may hinuli na apat na Chinese na lalaki na nanghipo sa isang Pinay. Ganoon na sila katapang.

Ang bayan natin, bahay ng mga Pilipino. Hindi ka pumapayag na may aakyat o papasok sa bahay mo para bastusin ka.

Isang malaking pagkakamali na walang galang sa bayan natin ang isang dayuhan. Inis nga ako kapag nakakakita ako ng mga nagtatrabaho sa embassy na nagtataas ng boses sa mga visa applicant ‘no!

Hoy nasa bayan namin kayo, hindi kawalan kung ayaw mong magbigay ng visa. Kung dito pa lang sa Pilipinas, binabastos mo na kami, lalo na siguro kapag nasa bayan n’yo na kami.

Dapat na maging mataas ang tingin sa atin ng mga dayuhan dahil bayan natin ito. Huwag tayong papayag na mababa ang tingin nila sa atin.

Igalang natin ang sarili para igalang nila tayo. Respect should start with us. We must show them they cannot push us around. This is our country, respect us, mga Pilipino kami.

Hindi man kami rich Asians, respectable and educated Asians kami no!

‘IG followers nakaka-happy’

Na-sad ako dahil nabawasan ang followers ko sa Instagram. Yung dating 74k followers ko, 73.9 na uli.

Baka may mga nag-unfollow na sampu kaya nabawasan at bumalik sa dati. Sad ako na may nag-unfollow dahil kahit ang mga basher, nila-like ko ang mga comment at may natututuhan ako mula sa kanila.

Gusto kong malaman bakit nag-unfollow eh okey lang naman sa akin kahit ano pa ang mga sinasabi nila laban sa akin.

Hindi ako nagagalit. Lahat ng followers ko love ko dahil gusto ko, palagi kaming may communication.

Saka happiness ko nang makita na marami nagpa-follow sa Instagram account ko dahil ito na ang diversion ko, ito na ang outlet ko.

Inilalabas ko sa Instagram ang feelings ko kaya gusto ko na may bond na kami ng lahat ng followers ko. ‘Yung para bang nakatali na kami sa bawat isa kaya sad ako na may mga nabawas sa kanila.

Gusto ko nga na dumating ang araw na makita ko ang lahat ng  followers ko at sana makapag-bonding kami kahit sa isang karinderya, magkuwentuhan nang personal, magpalitan ng mga tsika. Sana one day mangyari ‘yon, ang sarap siguro na face to face kami ng followers ko.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with