^

Pang Movies

Ken kinakasawaan na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Naiinip na ang ilang home viewers ng TV series na My Special Tatay. Nagsasawa na raw sila sa takbo ng role ni Ken Chan bilang Boyet. Sa totoo lang, magaling na artista si Ken pero masyado na siyang babad sa nasabing role.

 

I tell you, lalong aangat si Ken after ng said series na malapit nang mag-exit sa ere. At take note, magaling si Rita Daniela. Tawag-pansin siya, at lahat naman ng cast mahusay rin at wala kang itatapon.

Sana nga matapos na, at mabigyan ng panibagong mas magandang title role si Ken. 

Rannie, Renz, Richard, at Chad walang pagbabago ang boses

Hindi basta nalalaos ang isang magaling na singer, basta’t huwag mo na lang abusuhin ang iyong boses. Huwag uminom ng alak at manigarilyo.

Ilan sa mga singer na magaling mag-alaga ng boses ay sina Rannie Raymundo, Renz Verano, Richard Reynoso at Chad Borja.

Magagaling pa rin silang kumanta at ‘yun pa rin ang boses nila ilang dekada na ang nakalilipas. Pina­lakpakan nga sila nang husto nang mag-guest sila sa Wowowin sa nakaraang birthday ni Willie Revillame. Ang nagbago lang sa kanila ay ang katawan or anyo, natural, nag-matured sila pero handsome pa rin.

Tv Host/Actress tinamaan sa pagiging sakang

‘Yang maitim na singit, tuhod, siko, at iba pang parte ng ating katawan ay hindi na problema nga­yon dahil maraming gamot o pamahid na pampakinis at pampaputi. Go na kayo kay Dra. Vicki Belo o iba pang mga doctor sa balat. Pero yung uka ng binti o mga sakang na binti ay hindi na kaya ng binanggit kong dermatologist. Baka pwede pa sa surgeon!

Kaya huwag ng magtampo sa akin yung showbiz girl na nasulat ko na sakang siya, sorry po, writer lang po at forte ng aking column ang mamuna. Hahaha. Peace!

   

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with