^

Pang Movies

Robin kailangang I-repackage, mga loveteam na walang chemistry laglag sa takilya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Robin kailangang I-repackage, mga loveteam na walang chemistry laglag sa takilya!

Inamin ni Erik Matti na hindi na pinanonood ng mga tao ang kanilang ginagawang pelikula. Naging isang malaking flop ang Bato ni Robin Padilla. Bagsak din ang kasabay noon na pelikula ni Jessy Mendiola kasama ang ilan pang aktor na may pamagat na Tol.

 

Noong sumunod na linggo, naglupasay rin sa takilya ang pelikula ni Janine Gutierrez, nag-collapse rin ang pelikula nina Xian Lim at Louise delos Reyes. Nauna pa riyan, naghilahod din ang Boy Tokwa. Hinimatay rin sa takilya ang pelikula ng McCoy de Leon at Elise Joson loveteam. Nagtatanong ngayon si Erik Matti, ano raw ba ang problema?

Ang unang problema sa palagay namin, lahat naman ng mga pelikulang nabanggit ay wala rin masasabing box office stars sa kasalukuyan. Sa kaso ni Robin, bumaba na ang popularidad niya at hindi naman na kasi uso iyong action na ginagawa nila. Ang action ngayon, ginagamitan na ng opticals. Iyong simpleng suntukan at barilan lang, wala na iyan. Hindi ba’t maski na ang pelikula ni Robin na kasama si Sharon Cuneta mahina rin naman sa takilya. Lahat ang mga nauna pa niyang pelikula kagaya noong Andres Bonifacio at iba pa, mahina rin.

Kailangang mai-repackage si Robin. Pero sino ba ang maga­ling sa packaging sa grupo niya? Hindi magagawa iyan noong mga schedule master lamang.

Iyon namang ibang ginawa nilang bida sa pelikula ay hindi pa ready. Sino ba ang matatawag ang pansin kina McCoy at Elisse Joson? Iyong McCoy nga, pinag-sexy na lang nila ngayon at baka makabawi. Babad na sa TV si Jose Manalo, may aasahan pa ba kayong hindi siya matotokwa sa pelikula?

Sino ang nagbigay ng ideya na ang dapat partner ni Janine Gutierrez ay si Enchong Dee? Baka kung si Rayver Cruz pa iyan, kumita. Ganoon din naman, ano ang mangyayari sa love story nina Xian Lim at Louise delos Reyes?

Ang gustong mapanood ng tao ay iyong mga artistang interesado sila. Sa casting pa lang eh, halata nang tinitipid ang mga pelikula, kaya sino magbabayad ng halos tatlong daan para mapanood iyang mga iyan eh nakikita rin sa TV nang libre ang mga iyan. Mali ang kumbinasyon nila sa pelikula.

Iyan ang isa sa nawala sa pelikula, iyong marunong mag-casting ng kikitang pelikula.

Ano ang sinasabi nilang bonggang promo, iyong nakikita sila araw-araw sa Facebook, at inilalabas ng mga blogger nang buung-buo ang kanilang mga pralala. O iyong inilalabas ng mga “kolumnistang alagad nila” ang kanilang mga halatang-halata namang pralala lang? Kaya hindi naniniwala ang mga tao dahil halata nila na bola lang ang nababasa nila tungkol sa mga pelikula. Walang totoong kritiko na ang inilalabas lang ay press release, dahil mautak na ang mga tao ngayon. Hindi mo na sila mabobola nang ganyan.

Huwag ninyong sabihing hindi ninyo alam kung anong pelikula ang gusto ng tao. Pero hindi iyon ang ginagawa ng mga director. Alam nila kung ano ang kumikita, pero ipinipilit nila kung ano ang gusto nilang gawin, eh kung ganoon, bakit maghahanap pa kayo ng manonood?

Kahit na sabihin mong masama sa kalusugan ang crispy pata, hindi mo mapipilit na kumain ng ginisang toge ang naghahanap ng crispy pata. Huwag ninyong idikta sa audience kung anong pelikula ang dapat nilang panoorin. Ibigay ninyo sa kanila ang gusto nila at kikita kayo.

Ang hirap eh, naghahanap ang tao ng makakai­nang karinderya, nagbukas ka naman ng barberya. Tapos gusto mo huwag nang kumain ang tao, at magpagupit na lang sa iyo. May mangyayari ba?

Magising na tayo sa katotohanan. Gumawa tayo ng mga pelikulang gusto ng bayan.

(Agree sa opinion mo tita Ed. Nag-e-experiment sila pero gusto agad nilang kumita. - SVA)

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with