^

Pang Movies

Jinggoy no comment sa ginawang pagdalaw ni Kim Domingo sa kanila ni Bong­

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jinggoy no comment sa ginawang pagdalaw ni Kim Domingo sa kanila ni Bong­
Kim Domingo

Pagkatapos ng pa-lunch ni Sen. Bong Revilla sa entertainment press noong nakaraang Chinese New Year, kahapon ay ang kaibigan naman niyang si Sen. Jinggoy Estrada ang humarap sa showbiz press bilang advance celebration naman ng kanyang kaarawan on Feb. 17.

Kasama niyang humarap sa press ang anak na si Janella Estrada na tumatakbong Mayor ng San Juan at si Edu Manzano na kumakandidato namang Congressman ng naturang lugar pa rin.

Matatandaang magkasabay na nakulong sina Sen Bong at Sen. Jinggoy sa kasong plunder at naunang lumaya ang huli noong Setyembre, 2017 habang ang una naman ay nito lang nakaraang Disyembre nang manalo siya sa kaso.

Ongoing pa rin ang kaso ni Sen. Jinggoy pero confident naman daw siyang magiging pabor sa kanya ang resolusyon ng korte tulad ng nangyari sa kanyang kaibigan.

Kasalukuyang tumatakbo si Jinggoy bilang Senador at lagi ring mataas ang numero niya sa survey at natutuwa naman daw siya na kapag nag-iikot siya sa buong Pilipinas ay napakainit ng pagtanggap sa kanya ng ­ating mga kababayan.

Natanong kay Sen. Jinggoy ang tungkol sa pambabatikos at pambu-bully ng mga kalaban nila na binabanggit ni Sen. Bong at aniya ay ayaw ngang tumigil pa rin ng mga ito.

“Siguro, may mga iba’t ibang sektor, they are trying to pull us down kasi, modesty aside, kahit paano, pumapasok kami sa survey,” aniya.

Paano niya hina-handle ang bashers?

“I just ignore them. Kasi, kung papatulan mo, hahaba pa ‘yan. Siyempre, bigyan natin sila ng respeto. That’s their own opinion. May kanya-kanya naman tayong opinyon, so respetohan na lang.

“Pero huwag naman below the belt, kasi ‘yung iba, hindi naman nila alam ‘yung puno’t dulo ng kaso, eh. They just surmise, eh. Nagi-speculate na lang sila.”

Sa ngayon ay wala pa sa plano ni Sen. Jinggoy ang magbalik-showbiz dahil aniya, tumaba raw kasi siya.

“Pagka medyo pumayat na tayo ng konti,” sambit niya.

Natanong din kung sino ba ang gusto niyang maging leading lady sakaling gagawa siya ng pelikula at biro niya, “si­yempre ‘yung bata.”

Pero aminado naman siyang hindi na siya updated ngayon sa mga bago nating artista dahil ang mga kilala raw niya ay ang mga kapanahunan niya tulad ni Sharon Cuneta.

May nagbiro kung kilala ba niya si Kim Domingo at natawa si Senator.

“Ah, ‘yung dumalaw sa amin sa Crame?” sey niya. Tawanan.

Matatandaang natsismis nga na dumalaw sa kanila ni Sen. Bong ang tinaguriang bagong Pantasya ng Bayan last year dahil sa imbitasyon ng veteran columnist and talent manager na si Lolit Solis.

Sino ang ka-close ni Kim, siya o si Sen. Bong?

“No comment,” natatawang sabi ni Jinggoy. Tawanan na naman.

Ano ang reaksyon niya nang makita niya si Kim? First time niya bang makita ang Kapuso star?

“Oo, sexy pala, eh,” sambit niya. Tawanan ulit.

When asked kung sino pa ang ibang dumalaw, aniya ay wala na raw, na ayaw naming paniwalaan.

“Wala akong nakikita. Kami lang ni Bong ang araw-araw nagkikita. Saka mga asawa namin. Dala­wang tao lang ang masaya noong nakulong kami, eh. Si Lani at saka si Precy (asawa nila), alam nila kung saan kami pupuntahan, eh,” pagbibiro pa ng Senatoriable.

Ang birthday wish ni Jinggoy ay sana raw ay manalo siya siyempreng muli bilang Senador, gayundin ang anak niyang si Janella at ang re-electio­nist father na si Manila Mayor Joseph Estrada.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with