^

Pang Movies

Jackie gusto lang magpalahi, ayaw magpatali!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jackie gusto lang magpalahi, ayaw magpatali!
Jackie Rice

Eight years din nakipagrelasyon si Kapuso actress Jackie Rice sa kanyang boyfriend. Ngayon ay halos two years na siyang loveless. Wala namang problema kay Jackie dahil lagi siyang may work. Kailan lamang natapos ang last afternoon teleserye niyang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na tu­magal ng three seasons, ngayon ay may bago naman siyang serye sa primetime block ng GMA 7, ang TODA One I Love, na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

Kontrabida ba siya muli sa bago niyang serye?

“Hindi ko alam kung mabait ba ako rito dahil galit ako kay Gelay (Kylie), gusto ko kasi si Emong (Ruru) na kay Gelay naman may gusto,” sagot ni Jackie. “Pero masaya ako dahil romcom, naiba naman sa mga dati kong drama series na masama ako.”

Bakit two years na siyang walang boyfriend, wala pa ba siyang makitang ipapalit dito?

Friends pa rin daw naman sila ng dating boyfriend at mas nakabuti pa nga raw iyon sa relasyon nila ngayon, happy raw ang dating bf niya, happy rin siya na mag-isa.  Wala bang nanliligaw sa kanya?

“Meron, pero dahil sa tagal ng relasyon namin ng boyfriend ko, may comparison na, ayaw ko namang pahirapan sila tapos hindi ko naman sila gusto.  Mas gusto ko namang magka-baby pero ayaw ko ng boyfriend, ayoko ng asawa, gusto ko lamang magpalahi, charot,” biro pa ni Jackie. “Ayaw kong magpakasal.

“Hindi kasi ako naniniwala sa kasal. Kaya sa eight years namin ng boyfriend ko, hindi niya ako binigyan ng singsing. Gusto ko, just in case na ikasal ako, yung may mga anak na ako, matanda na ako, gusto ko sila ang abay ko sa kasal, yung ganun. ‘Yung true love na talaga ang natagpuan, hindi iyong magpapakasal ako dahil nagpakasal na ang mga kasabay ko sa showbiz.”

Bakit ganoon ang pananaw niya sa kasal?

“Siguro dahil half American, half Filipino ako, doon ko nakikita iyong divorce-divorce, dito sa Pilipinas, mahirap ang divorce.”

Ang TODA One I Love ay mula sa GMA News & Public Affairs at dinidirek nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka. Napapanood gabi-gabi after ng Onanay.

Willie naka-recover na

Masaya na muli si Willie Revillame at balik-taping na siya ng kanyang Wowowin na nagbibigay saya sa mga dumarating na nanonood ng taping sa studio. Inamin niyang naapektuhan siya ng aksidenteng naganap sa taping nila two weeks ago, pero hindi naman sila pinabayaan ni Willie at ng kanyang production, tinulungan niya ang mga nasaktan at pumanaw.

Noong isang araw, nag-guest sa Wo­wowin si senatoriable Bong Revilla Jr. at nakiisa siya sa pagbibigay ng saya sa mga nasa loob ng studio ng GMA sa annex building.

vuukle comment

JACKIE RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with