^

Pang Movies

Bong Revilla ayaw makialam kay Jolo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas masaya na ang aura ni former Senator Bong Revilla Jr. nang makipag-lunch siya with the entertainment press last Chinese New Year, February 5, sa Annabel’s Restaurant in Tomas Morato. Nakipagbiruan na siya lalo na nang tanungin siya tungkol sa anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na balitang after ni Jodi Sta. Maria, may bago na itong girlfriend na ipinakilala na sa kanila noong birthday ng anak nitong si Gabby.

“Ayaw kong makialam, kung saan siya maligaya, doon ako,” natatawang sagot ni senatoriable Bong.  “Mahirap makialam sa usapang pag-ibig.”

Four years and six months na wala si Bong kapag Valentine’s Day kaya susulitin nila ang limang taon na hindi sila nakapag-celebrate ng V Day hindi lamang sila ni Lani kung hindi ng kanilang buong pamilya.

Maine lumipad na pa-New York para sa bagong project!

Wala si Phenomenal star Maine Mendoza sa birthday ng big boss nila sa TAPE, Inc. si Mr. Antonio P. Tuviera dahil she left for New York last Tuesday evening para sa isa pang bagong product na ii-endorse niya for MAC Cosmetics. Ito ay pagkatapos ng very successful niyang paglo-launch ng MAC lipstick na siya mismo ang nagtimpla nang pumunta siya roon. Matatandaan na nang ilabas ang kanyang lippie ay within five minutes sold-out ito at kahit saang tindahang i-launch ito, ay laging sold out.

Noon pa sinabi ng manager ni Maine na si Rams David na may ii-endorse muli sa kanila si Maine, pero hindi pa niya sinabi kung kailan.

Alam na pala ng AlDub Fans sa Toronto ang pagdating ni Maine doon, kaya ngayon pa lamang ay marami nang naka-abang sa pagdating niya.

Ika-5 Utos shocking ang finale!

Kaabang-abang ang pagwawakas ng Ika-5 Utos na dinidirek ni Laurice Guillen sa GMA Afternoon Prime. Magtatapos na ito sa Friday, February 8, 2019, at ang teaser nila, abangan ang shocking finale. May nagtatanong kung mamamatay daw bang lahat ang mga characters ng serye.

Napapanood ang Ika-5 Utos pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.

vuukle comment

BONG REVILLA JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with