^

Pang Movies

Kahit busy sa eleksyon, Bong gagawa pa rin ng pelikula

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kahit busy sa eleksyon, Bong gagawa pa rin ng pelikula

Nagpasalamat si Senator Bong Revilla, Jr. sa entertainment press sa isang thanksgi­ving lunch niya kahapon pati na rin sa mga taumbayan na mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya sa ilang lugar sa Pilipinas.

Pero kahit naghahanda siya sa dara­ting na eleksyon sa Mayo, siniguro niyang may isang pelikula siyang gagawin para sa December film festival.

“Katulad nang sinabi ko, show business is my first love Ito talaga ang aking bread and butter. Hindi po sa pulitika. Hindi sa pagiging senador.

“Ang bread and butter ko po ay pelikula, telebisyon. Ito po ang bumuhay, bumubuhay sa pamilya ko.

“Tuloy po ang paggawa ko ng pelikula. Tuloy ang paglabas ko sa telebisyon.

“Kaya sabi ko nga sa ibinabato sa akin, up to the very last centavo, kaya kong ipaliwanag sa korte ‘yan. At ipinaliwanag ko po, umupo ako sa witness stand.

“Kaya itong first love ko, dito pa rin ako. Itong public service, pagtulong ko ito eh. Pambayad sa utang na loob sa mga fan, tagahanga ko na laging nandiyan sa akin. Hindi nila ako pinababayaan!

“Naninindigan ako kaya nasa Top 10 pa rin ako sa surveys. Kaya umiikot ako sa buong Pilipinas, sa Pasasalamat Caravan ko para ipaalam na sa kanila na heto po, si Bong Revilla, nakalabas na po. Tatakbo po ako.

“So nasa sa kanila na po ‘yon kung susuportahan ako. Ngayon,lumabas na ang katotohanan, ‘yun ang ipinapaliwanag ko kaya ako umiikot sa labas!

“So again, ‘yung patuloy na nambu-bully sa akin, tama na. Lumabas na ang katotohanan. Huwag na ninyong linlangin pa ang utak ng mamamayan!” pahayag ni Sen. Bong.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with