^

Pang Movies

Bong umaming ayaw tantanan ng mga ‘bully’!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bong umaming ayaw tantanan ng mga �bully�!

Nakakatuwa na kahit abalang-abala na nga­yon sa pangangampanya si Bong Revilla na muling tumatakbo para Senador, naisisingit pa rin niyang makipag-bonding sa entertainment press.

Kahapon ay nagpa-lunch si Bong para sa showbiz press in ce-lebration of Chinese New Year at tulad pa rin ng dati, magiliw pa rin siya sa reporters at hindi nagbabago ng pakikitungo.

Of course, masaya na si Bong ngayong nakalaya na siya pero aminado siyang may hang-over pa rin siya. Minsan daw ay nagigising siya at tinatanong niya ang sarili kung totoo ba ito o nananaginip lang siya.

May trauma pa nga rin daw siya kapag nakakakita siya ng pulis at ng CCTV cameras. Akala raw niya ay laging may nakamasid sa kanya.

Pero medyo nagno-normalize na raw ngayon lalo na kapag nakikita niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao kapag nag-iikot siya. Lahat daw ng pagod at sakit na natamo niya noon ay nawawala raw lahat kapag nakikita niya ang pagmamahal sa kanya ng mga tao.

“Kapag nakita mo ‘yun, natatanggal ang pagod mo, minsan, tinitingnan ko sila, parang naluluha na lang ako. Hindi ako makapaniwala na ganu’n pa rin ang pagmamahal nila sa akin,” he said.

Nagpahapyaw din ang aktor/politiko sa kanyang mga kalaban na walang tigil daw sa pangbu-bully sa kanya.

“Doon sa patuloy na nangbu-bully sa akin, ang masasabi ko lang ay ‘anak ng teteng.’ Tapos na, nagsalita na po ang korte, tama na. Tama na. Kung sinabi n’yo noon, “tama na, sobra na,”, sobra na, tama na. Masakit na, tama na,” ang pakiusap ni Sen. Bong.

Pinagdaanan na raw niya lahat ng masasakit na pwedeng danasin ng isang bilanggo.

“Ang lahat ng ito, nasa korte naman, eh. Ako po, from the very start, pinagdaanan ko ‘yung talagang masakit na pupuwedeng abutin ng isang bilanggo. At hanggang sa paglilitis, hanggang sa naging desisyon, inabot ko,” he said.

Dagdag pa niya, “sa patuloy na nanggigiba, tama na po. Huwag na nating linlangin pa ang isip ng ating mga mamamayan. Lumabas na ang katotohanan, tama na po, ‘yun lang ang pakiusap ko.”

Ayaw na nga rin daw niyang makipagdebate pa sa mga ito at kahit napakaraming nag-iimbita sa kanya na iba’t ibang channel ay hindi siya dumadalo sa mga debate.

“Dahil ayokong mahainan ng mga ganyan na minsan ay nakakasakit na. Sobra na po ang inabot ng pamilya ko na panlalait, Matagal na po kaming nagdusa,” saad pa ni Bong.

Natanong din siya kung ano ang plano niya sa darating na Valentine’s Day dahil ito ang unang Araw ng mga Puso niya after 4 years sa loob ng kulu-ngan.

Siyempre raw ay ise-celebrate niya ito with his one and only wife, Lani Mercado.

“Siyempre, meron kaming date, at iko-confirm lang namin kung ano ang papanoorin namin, pero manonood kami ng concert,” aniya.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with