^

Pang Movies

Lovi Poe ayaw pang umuwi ng bansa, enjoy sa us kasama ang bagong papa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lovi Poe ayaw pang umuwi ng bansa, enjoy sa us kasama ang bagong papa!
Lovi Poe

Excited na ang press sa pag-uwi ni Lovi Poe sa bansa dahil gusto siyang uriratin sa balitang may boyfriend siyang kasa-kasama sa Amerika.

Pero ang alam ko, by March pa ang uwi sa Philippines ni Lovi.

Noong nasa Los Angeles, California ako, may nagtsika sa akin na kahit madalas na nakikita sa Beverly Hills si Lovi ay sa may kalayuan daw naka-stay ang sexy actress/singer.

Anyway, siguro kahit makabalik na ng bansa si Lovi ay mananatili pa rin siyang tahimik tungkol sa sinasabing may kasama siyang boyfriend sa Amerika.

Kahit naman ‘yung tungkol sa kanila ng Filipino-French businessman na si Chris Johnson na napabalitang boyfriend niya ay hindi naman siya masyadong nagkuwento hangang sa may nakara­ting na nga lang sa akin na ilang months na rin pala silang hiwalay.

Barbara nina Mariel at Nathalie, wala pang ending

Alam mo, Ateng Salve, ‘yung horror movie pala na Barbara Reimagined na ginawa nina Mariel de Leon at Nathalie Hart na idinerehe ng yumaong direktor na si Chris Ad. Castillo ay hindi pa pala talaga tapos.

Hindi pa raw nakukunan ang ending ng pelikulang ‘yon na ipapalabas sa iWantPH ng ABS-CBN.

Nang makatsikahan nga ng press si Mariel sa presscon nila ni Ogie Alcasid para sa Valentine concert na Master of Love, nausisa ang dalaga tungkol sa horror movie na ‘yon.

“Ang alam ko, ‘yung wife ni Direk Chris ang tatapos sa shooting ng pelikula, pero hindi pa kami nasasabihan when ang resume namin,” sabi ni Mariel.

Gusto rin ni Mariel na matapos na ang Barbara Reimagined at maipalabas na rin dahil mahilig talaga siya sa horror movies.

Samantala, sa Master of Love Valentine concert sa Resorts World Manila kung saan ay special guest siya ni Ogie ay manonood daw ang pa­rents niyang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Magka-date raw ang kanyang parents sa Valentine concert na ‘yon at pareho raw excited ang mga ito sa partisipasyon niya sa February 14 concert nila.

Janine ‘di pinayagan sa Dos

Kung masipag si Janine Gutierrez na mag-promote sa kanyang social media accounts ng pelikulang Elise (na showing na bukas), sobrang sipag din ng leading man niyang si Enchong Dee.

Nang i-post ko nga ang tungkol sa press preview ng Elise na pinanood ko, na-retweet kaagad ‘yon ng ABS-CBN actor.

Super post nga rin siya sa kanyang social media accounts ng guesting niya noong Saturday sa Eat Bulaga, pati ang pictures na kasama niya sina Vic Sotto, Joey de Leon at iba pa.

Ang dinig ko, sobrang thankful si Enchong sa ABS-CBN big bosses for allowing him to guest sa noontime show ng GMA 7.

Malaking bagay nga naman ‘yon sa promotions ng Elise.

Sayang nga lang at hindi raw napayagan si Janine na makapag-guest naman kahit sa isang show ng Kapamilya network dahil in-allow naman daw siya na makapag-promote ng Elise sa lahat ng shows ng Siyete na puwede siyang makapag-promote.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with