^

Pang Movies

Singer na nagsimula sa talent search, nag-ampalaya sa kulang na suporta!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Feeling magaling

Natawa na lang kami sa sinabing comment ng isang baguhang singer na nagsimula sa isang talent search. Bakit daw ang totoong singers na kagaya niya ay kulang sa suporta, samantalang marami namang hindi singers, in fact mga artista talaga, ang siyang nabibigyan nang mas higit na pagkakataon sa industriya ng musika.

Hindi namin siya masisisi kung mag-ampalaya siya, dahil totoo namang may hindi mo nga ma-classify na isang singer na kagaya nila, pero nabibigyan ng pagkakataon. Tila nakalimutan lang ng reklamador na baguhan, ang musika ay industriya at mahalaga na ang namumuhunan ay kumita. Kahit na anong galing mong kumanta, kung hindi ka naman kumikita, aba eh walang mamumuhunan sa iyo.

Isang magandang halimbawang ibibigay namin ngayon ay si Daniel Padilla. Oo, nakakakanta naman si Daniel, in fact ngayon nag-improve pa siya at mga standards pa ang binabanatan niya. Pero sa totoo lang mas kilala si Daniel bilang isang actor. Isipin ninyo, siya ang bida sa highest grossing film sa ngayon.

Pero papaano ninyo maikakaila na ilang ulit na ring napuno ni Daniel sa kanyang mga concert ang Big Dome? Kaya ba iyang punuin ng baguhang nag-aampalaya?

Ilang albums na rin naman ang nagawa ni Daniel.

May apat na CDs na siya. Iyong una ay ang DJP na naging double platinum. Ang ikalawa iyong I Heart You, double platinum din. Pangatlo, iyong I Feel Good, gold record naman. Tapos may extended play siya na ang title ay Daniel Padilla na double platinum din. Kung ganyan ang benta ng recordings niya, sino ba naman ang hindi mamumuhunan sa kanya, samantalang ang ibang singers, naghihingalo na hindi pa mabili ang plaka.

Para rin iyang hinanakit noong mga gumagawa ng indie eh, na ang hinanakit, naniniwala silang mas maganda ang kanilang mga pelikula pero hindi naman kumikita kaya mabilis nasisipa sa mga sinehan.

Richard tiyak natuwa sa hiwalayang Marco-Juliana

Inamin ng baguhang si Marco Gallo na nagkaroon sila ng “mutual understanding” ni Juliana Gomez pero naisip daw nila na hindi pa ito ang panahon para sila maging seryoso sa isang love affair. Siya mismo nagsabing naghahanda pa siya sa kinabukasan niya. Natatandaan namin, si Marco ang sinasabing naging escort ni Juliana noong kanyang debut.

Wala pang statement si Juliana tungkol dito. Pero kung mayroon mang natutuwa sa balitang ganyan, palagay namin wala nang iba kung hindi si Mayor Richard Gomez. Kasi sa totoo lang, ayaw pa ni Goma na maligawan ang kanyang anak. Bagama’t aminado siya na noong kanyang kabataan ay maaga rin siyang namulat sa mga ganyang panliligaw, sinasabi niyang sana huwag na munang maligawan ang kanyang anak.

May dahilan naman si Goma. Marami pang maaabot si Juliana sa kanyang pag-aaral at maging sa sports. Mas maganda nga namang unahin muna iyon ng maganda niyang anak kaysa sa lovelife.

Jameson bina-bash na naman dahil sa pangunguna sa pila!

Binabanatan ngayon ng netizens si Jameson Blake, kasi habang ang fans daw ay nakapila sa init ng araw para makapasok sa concert noong Black Pink, siya dahil isang artista ay hindi pumila at nakapasok nang maluwag na maluwag. Ang isinisigaw nila, hindi fair iyon dahil pare-pareho naman silang nagbayad.

Minsan kasi pinapayagan ng security ang ganyan para hindi na makadagdag sa kaguluhan, pero siguro nga dapat pumila rin siya kagaya noong iba.

vuukle comment

JAMESON BLAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with